Arestado ang limang indibidwal sa operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa Caloocan City noong Biyernes, May 8, kaugnay ng umano’y failed robbery attempt.
Isinagawa ng Highway Patrol Group-Special Operations Division (HPG-SOD) ang operasyon sa A. Mabini Street, Barangay Maypajo, matapos makatanggap ng intelligence information tungkol sa armed individuals na umano’y target ang isang condominium unit sa Habito Residence.
Agad rumesponde ang HPG-SOD, katuwang ang iba pang police units, na nauwi sa interception at pagkakaaresto ng mga suspect.
Isa sa mga suspect, isang dismissed police personnel na dating Police Staff Sergeant, ang umano’y nagtangkang bumunot ng baril habang lumalaban sa pag-aresto.
Tumugon ang law enforcement personnel, kaya nagtamo ng gunshot wound sa binti ang suspect. Agad siyang binigyan ng medical assistance at dinala sa malapit na ospital habang nasa police custody.
Narekober sa operasyon ang dalawang handguns, dalawang cellular phones, at isang Toyota Innova na umano’y ginamit sa offense.
Patuloy ang imbestigasyon at evidence processing para matukoy ang iba pang detalye ng insidente at kung may iba pang taong sangkot. /Bistado


