Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

12,241 telecom permits aprubado, mas mabilis na internet target ng DILG

Umabot na sa 12,241 ang naaprubahang permits at clearances para sa pagtatayo ng telecommunications towers at iba pang internet facilities sa buong Pilipinas ngayong taon, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Batay sa datos hanggang September 2026, nagmula ang mga aprubadong permit sa 707 lungsod at munisipalidad na nagpapabilis ng kanilang proseso para suportahan ang pagpapalawak ng internet services.

“LGUs continue to open doors for telecommunications companies to expand their services, even in hard-to-reach areas,” ayon sa DILG.

Sa ilalim ng Executive Order No. 32, series of 2023, inaatasan ang local government units (LGUs) na pasimplehin at pabilisin ang pagproseso ng applications para sa telecom towers, cable networks at iba pang internet infrastructure.

Kabilang dito ang Zero Backlog Policy para maiwasan ang tambak na applications at hindi maantala ang pagtatayo ng mga pasilidad.

Gayunman, may 2,046 applications pang pinoproseso sa 94 LGUs na kailangang aksyunan sa loob ng itinakdang panahon sa ilalim ng batas.

Binalaan din ng DILG ang mga opisyal na nagpapabagal o humaharang sa pag-isyu ng permits na maaari silang maparusahan sa ilalim ng Republic Act No. 11032 o Ease of Doing Business Law.

Giit ng ahensya, mahalaga ang mabilis at transparent na pag-apruba ng permits para mapalawak ang internet coverage at online government services, lalo na sa malalayong komunidad na limitado pa rin ang koneksyon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles