Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

139k tricycle drivers makakatanggap ng fuel ayuda simula Martes

Mahigit 139,000 tricycle drivers sa Metro Manila ang makatatanggap ng cash assistance mula sa pamahalaan simula Martes, March 17, bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo dulot ng tensyon sa Middle East.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, ang mga driver ay tatanggap ng tig-P5,000 na tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS program ng ahensya.

Sinabi ni Gatchalian na ang unang batch ng cash distribution ay tututok sa transport sector, partikular sa mga tricycle driver sa National Capital Region na kabilang sa mga pinakaapektado ng tumataas na presyo ng fuel.

Ipapatupad ang payout sa koordinasyon ng DSWD at mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila. May nakahandang 33 payout sites sa buong National Capital Region para sa sabay-sabay na pamamahagi ng ayuda.

Ayon sa DSWD, kinakailangang magdala ang bawat benepisyaryo ng original at photocopy ng kanilang driver’s license bilang requirement sa pagkuha ng tulong.

Ipinaliwanag ni Gatchalian na gagamitin sa payout ang cash relief assistance modality ng AICS program at ibeberipika ng mga city government ang mga qualified beneficiaries.

Sinabi rin ng DSWD na hindi na sasailalim sa interview ang mga driver sa araw ng payout para mapabilis ang distribusyon ng ayuda.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao na titiyakin ng ahensya na magiging maayos at walang halong pulitika ang pamamahagi ng tulong pinansyal.

Ayon kay Dumlao, magpapatupad ang pamahalaan ng mga hakbang para matiyak na ang distribusyon ng financial assistance ay walang anumang political interference.

Naglaan ang DSWD sa ilalim ng AICS program ng P30 bilyon para sa implementasyon ng programa. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles