Gaano kaya ka-true ang tsismis na ang isang Alkalde ng isang bayan sa labas ng Metro Manila ay diumanoý may double personality.
Meaning, puwede siya sa girls, puwede din siya sa boys.
Matagal ng natsitsismis ang sekswalidad ni Alkalde kahit noong may asawa pa ito. Ngayon nga daw kasi ay balitang hiwalay na ito sa kanyang asawa dahil sa hindi nito pagpabor sa pagpasok sa pulitika.
Simula daw noon na halos pabalik-balik lang ito sa mga posisyong Mayor at Vice Mayor, talaga daw na ginaw na nitong “negosyo” ang public service.
Subalit dahil masipag at marami naman daw talagang nagagawa si Mayor/Alkalde sa kanyang bayan at mga nasasakupan, minahal na siya at laging sinusuportahan.
Kapag naman daw may public functions si Alkalde, may mga dinidisplay din naman daw itong magaganda at mga mukhang propesyonal na mga babae, na inaakala ng marami na kanyang gf o karelasyon.
Subalit hanggang sa mga panahon ngang ito ay wala daw talagang sineseryoso si Alkalde.
Hanggang sa magkaroon daw ito ng pagkakataong pasukin na rin ang negosyo sa pag-produce ng mga teleserye, documentary at eventually ay movies.
Dito nga niya nakilala ang isang hunk actor na sumikat noon sa isang product commercial dahil sa pagkakaroon nito ng makinis na balat, maamong pagmumukha at tila napakabangong amoy.
Nagkalapit sila ni Alkalde ng maging isa sa mga supporting actors ang hunk actor sa isang movie na prinodyus ni Alkalde.
Hanggang nasundan pa ng ilang projects na laging isinasali si hunk actor kaya’t marami na ang nagduda na baka may something na nga daw kina Alkalde at hunk actor more than being ‘close friends.’
Fast forward after three years, hindi na nagulat ang marami nang bigla na lang nagkaroon ng “papel” sa produksyon si hunk actor, hindi lang bilang isang artista kundi isa na din siyang “investor” sa movie outfit ni Alkalde at mga ka-negosyo nito.
Ang siste, sa loob pala ng naturang tatlong taon ay naging close din sa Alkalde sa panganay na anak ni hunk actor sa isa sa mga naka-relasyon nito sa showbiz (walang asawa si hunk actor pero may mga anak siya sa iba-ibang babae na nakarelasyon nito).
Mabilis na nag-wan-plus-wan ang mga netizen at mga Marites, na posible din marahil na nagka-something na sina Alkalde at anak ni hunk actor dahil sa dalas din nitong pag-push sa batang aktor sa mga showbiz commitments nito.
Naging major patron o sponsor pa nga daw si Alkalde nang mag-join sa isang talent search ang anak ni hunk actor na naging passport nito sa pagpasok sa showbiz.
Si Alkalde ay nasa fifties na, samantalang kuwarentahin na si hunk actor, habang nasa early twenties naman ang anak nitong may aktibo na dfing career sa showbiz.
Kung isa daw kayong matikas magbasa ng mga hidden clues sa blind item na ito, napakadali daw ninyong mahuhulaan ang identities ng mga diumanoý bida sa Bistado Iyan item na ito.


