Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Paola Huyong, si Ryan Bang nga ba ang laman ng “cryptic” post?

Marami ang nagtatanong kung bakit kung kailan naghiwalay na at lumipas na ang matagal na panahon, ay tila may pasaring umano si Paola Huyong sa socmed post niya?

Si Paola ang dating girlfriend ni Ryan na nakarelasyon ng It’s Showtime host since 2023 at nagdeklara pang magpapakasal na after nilang mag-engage noong 2025. 

Dapat ay nitong 2026 sila magpapakasal subalit sa huli nga ay nag-back-out si Paola without publicly announcing kung ano ang naging rason.

Isang pinoy entrepreneur si Paola na may Marketing degree at MBA pa at nagtayo ng event and cafe venture na Ola by Siesta.

Balita ding naging kasosyo niya sa naturang negosyo si Ryan.

Nagulat ang netizen nitong nakaraang Sept. 15, nang mag-viral ang socmed re-post ni Paola kaugnay sa pagkakaroon ng positibong imahe sa public subalit may iba namang personalidad in private.

Sinundan pa ito ng isa pang cryptic post na halos naglalaman din ng same message.

Naririto ang mga naturang reposts ni Paola sa kanyang IG socmed account.

“Men who abuse women physically, emotionally, or mentally are often the nicest, friendliest men you’ll ever meet.

They’re charming in public, respected by everyone, generous, funny, and the first to offer help.

They know exactly how to protect their reputation while destroying someone else’s peace behind closed doors.

They’re extremely good at making everyone else feel comfortable, except for the people they are already close to.

That is why people struggle to believe women when they finally speak. They say, ‘They were always the nicest to me.’

And that’s the whole point.”

Ang ikalawang repost naman niya ay:

“Rule #32

Some people wanna look like a good person.

Being one cost more.

Some people don’t wanna do better. They just don’t wanna look bad.

A clean reputation don’t automatically mean clean hands.

If the reputation matter more than the repair,

peep game…”

Dahil dito, agad na kinunek kay Ryan ang mga naturang posts dahil wala naman daw ibang posibleng patamaan si Paola kung yun ang kanyang intensyon dahil nakaka-relate siya sa mensahe ng quotation.

Lahat nga ng nakakakilala sa kanila ni Ryan ay nag-assume na ang It’s Showtime host nga siguro ang pinatutungkulan nito lalo’t wala namang naisapubliko dahilan ng pagkaka-kansel ng engagement at paghihiwalay nila.

Nito din kasing nagdaan na mga panahon ay naging laman at viral ang mga emote ni Ryan hinggil sa kanyang naudlot na pag-ibig at relasyon, lalo na yung “harana” sa kanya ni Yeng Constantino at pag-iyak niya sa It’s Showtime.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles