Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Supreme Court sa Kongreso: Anti-political Dynasty Law, ipasa na matapos ang 39 taong delay

Inatasan ng Supreme Court (SC) ang Kongreso na tuparin ang mandatory constitutional duty nitong magpasa ng batas laban sa political dynasties matapos ang 39 taong pagkabigong maisakatuparan ang utos ng 1987 Constitution.

Sa unanimous ruling ng SC en banc, idineklarang grave abuse of discretion ang matagal na hindi pagkilos ng Kongreso at pinagbigyan ang consolidated petitions for certiorari at mandamus na kumukuwestiyon sa kabiguang tukuyin at ipagbawal sa batas ang political dynasties.

“The Congress of the Philippines must henceforth and with utmost urgency enact the appropriate anti-political dynasty law at the earliest opportunity,” ayon sa SC.

Pinagtibay ng Korte ang desisyon sa session nito noong August 26 at inanunsyo ang ruling nitong Miyerkules, September 16.

Sentro ng kaso ang Article II, Section 26 ng Constitution na nagsasabing “the State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law.”

Ayon sa SC, hindi simpleng aspiration ang probisyon kundi direktang constitutional command.

“The use of the word ‘shall’ makes clear that the State has a mandatory duty both to guarantee equal access to public service and to prohibit political dynasties,” ayon sa Korte.

“The phrase ‘as may be defined by law’ does not give Congress the choice whether to prohibit political dynasties. Rather, it gives Congress the authority to define what constitutes a political dynasty and determine the scope of the prohibition,” dagdag nito.

Ibig sabihin, nasa Kongreso pa rin ang kapangyarihang tukuyin kung ano ang political dynasty at gaano kalawak ang magiging pagbabawal. Ngunit ayon sa SC, hindi opsyonal kung gagawa ba ng batas.

Bagama’t co-equal branch of government ang Kongreso, itinuring ng SC na highly exceptional case ang 39 taong kawalan ng enabling law kaya nararapat ang mandamus order.

Kinuha rin ng Korte ang judicial notice sa maraming anti-political dynasty bills na inihain ngunit hindi naipasa mula nang maratipikahan ang 1987 Constitution.

Isinaalang-alang din nito ang mga pag-aaral tungkol sa lawak ng political dynasties at kaugnayan ng mga ito sa socioeconomic conditions. Ayon sa SC, nananatiling laganap ang political dynasties at umabot na rin ang presensya nito sa party-list system.

Bagama’t walang deadline na itinakda ang Constitution, sinabi ng Korte na hindi ito nangangahulugang maaaring ipagpaliban ng Senate at House of Representatives nang walang hanggan ang kanilang constitutional duty.

Malugod namang tinanggap ng UP Law ’76 petitioners ang ruling at nanawagan sa Senate at House na gawin na itong konkretong batas.

Para sa petitioners, nasa Kongreso na ang susunod na hakbang: magpasa ng makabuluhang pagbabawal na tutugon sa concentration of political power sa loob ng mga pamilya at tutupad sa constitutional guarantee ng equal access to opportunities for public service. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles