Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

NKTI sa viral ‘benta kidney para sa gadget’ trend: ‘Di pambayad ang bato!

Nagbabala ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) laban sa nauusong biro sa social media tungkol sa pagbebenta o pagbibigay ng kidney kapalit ng gadgets.

Sa advisory nitong Miyerkules, September 16, sinabi ng NKTI na may ilang personalidad na nagpo-post ng ganitong biro, kung minsan ay may kasamang edited o AI-generated images.

Nauunawaan ng NKTI na katatawanan lamang ang layunin ng mga post at hindi ito ginawa upang manghikayat ng ilegal na gawain. Gayunman, maaari umano itong magbigay ng maling impresyon, lalo na sa kabataan at vulnerable audiences.

“Ang bato at iba pang bahagi ng katawan ng tao ay hindi kalakal at hindi maaaring gamiting pambayad o ipagpalit sa anumang bagay,” diin ng NKTI.

Babala ng institute, maaaring magpalaganap ang ganitong content ng maling impormasyon na legal na nabibili o naibebenta ang human organs at mabawasan ang pagpapahalaga sa pinagdaraanan ng living donors, transplant recipients at mga naghihintay ng transplant.

Hinimok ng NKTI ang publiko na maging sensitibo at responsable sa paggawa at pagbabahagi ng ganitong content.

Patuloy naman nitong isinusulong ang ethical at legal na organ donation habang pinoprotektahan ang kapakanan ng donors at recipients.

“Organ donation is a gift of life – not a means of payment,” paalala ng NKTI. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles