Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Arellano, Benilde, Letran naka-una sa NCAA basketball

Tinambakan ng Arellano University ang San Sebastian College-Recoletos, 98-72, nitong Lunes sa pangalawang araw ng NCAA Season 102 men’s basketball sa Playtime FilOil Centre sa San Juan.

Nagtala si T-Mc Jeadan Ongotan ng 23 puntos, anim na assists at tatlong steals upang pangunahan ang Chiefs na may pinakamalaking kalamangan sa iskor na 84-55.

“We prepared physically and mentally. They might not see what we’re doing, but aside from that, the players have committed themselves to this [season],” ani coach Chico Manabat. “They played until the end. We saw that so-called killer instinct.”

Nag-ambag sina Sebastian Valencia at Renzo Abiera ng tig-12 puntos para sa Arellano, na nagtayo ng 61-36 abante sa halftime.

Nagdagdag si Charles Libang ng siyam na puntos, habang sina Karl Flores at Anjord Cabotaje ay may tig-walong puntos. Si King Vinoya naman ay nagtala ng anim na puntos, anim na rebounds, apat na assists at dalawang steals.

Gumawa si Matt Acosta ng 13 puntos at 11 rebounds para sa Stags. May 13 puntos din si John Ynot, kasama ang tatlong rebounds at tatlong steals, habang nag-ambag sina Alwin Alforque at Christian Ricio ng tig-walong puntos.

Noong Linggo sa pagbubukas ng liga sa Mall of Asia Arena sa Pasay, ginulat ng College of Saint Benilde ang defending champion San Beda University, 77-68.

Sa pagkawala ni Season 101 Most Valuable Player na si Allen Liwag dahil sa injury nito lamang Agosto, umasa ang Blazers kay Jhommel Ancheta, na gumawa ng 19 puntos, apat na rebounds, tatlong assists, isang steal at isang block.

“That’s kind of what we expected from him already. He’s our lead guard,” ani Benilde coach Paolo Layug. “We trusted him in the endgame. It’s not too surprising for him to do that.”

Tabla sa 64 sa pagsapit ng payoff period nang umiskor ang Benilde ng 8-2 run, na tinapos ng basket ni Ancheta para sa 72-66 kalamangan, may natitira pang 31.9 segundo.

Nag-ambag si Matthew Jucom ng 18 puntos at anim na rebounds, sinundan ni Irele Galas na may 12 puntos, anim na rebounds at dalawang steals. Nagdagdag naman si Raffy Celis ng 11 puntos.

Pinangunahan ni Sean Torculas ang Red Lions sa 19 puntos, bukod pa sa pitong rebounds.

Nagtala si Recaredo Christian Calimag ng siyam na puntos, habang sina Jimuel Reyes at Daniel Mercado ay may tig-pitong puntos para sa San Beda, na nagtayo ng 28-21 kalamangan sa unang quarter.  

Nanalo rin ang Letran kontra Perpetual Help, 84-77.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles