Below is the excerpts of Star Worx’s Q&A interview with Queenay Mercado, ang kilalang socmed influencer, artist, negosyante, producer ng Dularkada Playhouse at mainstay ng VIBE+ sa TV5.
Q: Bakit mo naisipang pasukin ang fragrance business?
Queenay: Mahilig po talaga ako sa pabango. Gusto ko rin na kapag naaamoy ng mga tao ang isang fragrance, maaalala nila ang isang magandang moment o espesyal na tao o pangyayari sa buhay nila. Kaya naisip kong gumawa ng sariling perfume line na mabango, long-lasting, pero abot-kaya pa rin.
Q: Ano ang pangalan ng fragrance line? Sino ang pumili ng name? Ilang variants ang meron?
Queenay: Valaire Perfume po ang pangalan. Ako rin po ang pumili nito kasama ang aking team. Ang “Valaire” ay inspired by valuable , airy, soft and light pero may presence. Mayroon po kaming tatlong variants: Imperial Air, Royal Blush, at Velvet Twilight.
Q: Sino ang nag-formulate ng scents? Saan pwedeng bumili nito?
Queenay: Nakipagtulungan po kami sa isang trusted fragrance manufacturer at product development team para mabuo ang mga scents na talagang gusto ko. Maraming testing at pagpili ang ginawa namin bago namin inilabas ang final variants. Available po ang Valaire Perfume sa aming official TikTok Shop.
Q: Nag-venture ka rin daw sa pagiging producer ng plays. Paano mo naisipan ito? Ano ang pangalan ng production at sino ang nakaisip nito?
Queenay: Mahilig po talaga ako sa acting at performing arts, kaya natutuwa akong magkaroon ng pagkakataong masuportahan ang mga Batangueñong artista, direktor at manunulat. Ang project po ay Stage Bites: PIGLAS – Community Edition, under DularKada Playhouse. Ang kuya kong si RK Mercado, na siyang Festival Director, ang isa sa mga pangunahing bumuo at nagbigay-buhay sa konsepto nito.
Q: Makikita ka ba namin sa isang play soon?
Queenay: Sa ngayon, mas nakatuon po muna ako sa pagiging producer at pagsuporta sa buong production. Pero malay niyo sa banda banda diyan isa na pala ako sa mga gaganap at sana kapag dumating yung time na yun sana po ay nandiyan kayo para po suportahan ako.
Q: Ano ang unang play na gagawin ninyo at kailan ito lalabas?
Queenay: Ang una po naming production ay Stage Bites: PIGLAS, na binubuo ng anim na maiikling dula mula sa mga Batangueñong manunulat, direktor at performers. Ang preview po ay sa September 20, 3:00 PM, sa Amalfi 718 Hotel sa Lipa City, at magpapatuloy ang performances mula September hanggang October.


