Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Gilas Pilipinas, bumawi sa Kazakhstan

Nakabawi ang Gilas Pilipinas matapos durugin ang Kazakhstan, 109-78, at makuha ang unang panalo sa 20th Asian Games sa Nagoya, Japan nitong Sabado ng gabi. 

Maaga ang naging selebrasyon ni Robert Bolick, na ika-31 kaarawan ngayong araw, matapos umiskor ng 13 sa kanyang kabuuang 20 puntos sa first half.

Pinagpatuloy ni Jerrick Ahanmisi ang magandang laro sa second half nang kumamada ng 19 sa kanyang game-high na 22 puntos sa Aichi International Arena.

Tumira ang Pilipinas ng 55 porsiyento mula sa three-point range (16-of-29), kung saan nagtala si Bolick ng 4-of-6 at si Ahanmisi naman ay 7-of-11 mula sa three-point area.

Nabawi ni Bolick ang kanyang laro matapos hindi maka-iskor at tumira lamang ng 0-for-5 mula sa floor sa 85-89 pagkatalo ng Gilas sa Bahrain sa unang laro noong Biyernes ng hapon.

Tinalo ng China ang Kazakhstan, 105-59, para sa ikalawang panalo nito at unang quarterfinals berth sa Group C.

Dahil sa panalo, naging patas sa 1-1 ang rekord ng Gilas bago ang huli nitong assignment sa Group C laban sa China sa Lunes.

Tabla ang Bahrain at Pilipinas, habang sibak na ang Kazakhstan sa 0-2.

Ang dalawang nangungunang koponan mula sa bawat grupo at ang dalawang pinakamahusay na third-placed teams ang uusad sa susunod na round.

Malaking bentahe ang 31-puntos na winning margin ng defending champion Pilipinas sa paghahangad nito ng puwesto sa quarterfinals kung gagamitin ang point differential bilang batayan.

Muli rin nagtala ng double figures si Calvin Oftana na may 12 puntos, habang bumawi rin ang Filipino-American guard na si Sedrick Barefield mula sa kanyang walang puntos na debut sa Asiad sa pamamagitan ng 11 puntos.

Isang rebound ang kinulang ni Zavier Lucero para makumpleto ang double-double para sa Gilas, matapos magtala ng 10 puntos at siyam na rebounds.

The scores:

PHILIPPINES 109 – Ahanmisi 22, Bolick 20, Oftana 12, Barefield 11, Lucero 10, Abarrientos 6, Arana 6, Baltazar 6, Trollano 5, Nocum 4, Ganuelas-Rosser 4, Bates 3.

KAZAKHSTAN 78 – Bykov 15, Marat 12, Maydekin 12, Neff 11, Rabchenyuk 9, Murzagaliyev 8, Fedchenko 7, Ivanov 2, Sakhipov 2, Severgin 0, Marchuk 0, Kuanov 0.

Quarters: 18-15; 50-37; 82-66; 109-78

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles