Hindi pa tumitigil ang baha ng kritisismo sa DDS vlogger na si Tio Moreno.
Earlier this week, laman si Moreno ng headlines matapos kumalat ang ulat tungkol sa umano’y insidente sa isang spa kung saan napaigit umano ang vlogger habang naroon. Mabilis na umikot ang kuwento sa social media at naging laman ng mga memes at biruan online.
Ngunit hindi pa natatapos doon ang kontrobersiya.
Panibagong usapin ang lumutang matapos kumalat sa social forum na Reddit ang mga post na nagdududa sa ilang larawang ibinahagi ni Moreno sa kanyang Facebook stories.
Sa naturang post, ipinakita ni user RedditUser19918 ang side-by-side screenshots ng umano’y mga larawan ni Moreno na nagpapakita ng mamahaling sapatos at relo.
Sa parehong post, ipinakita rin ang sinasabing pinanggalingan ng mga larawang iyon mula sa ibang Reddit threads at ilang websites.
Dahil dito, umulan ng komento mula sa mga netizen.
“Nagnanakaw rin pala siya ng mga pictures sa Reddit,” komento ng isang user na gumagamit ng pangalang MJDT80.
“Lol kukuha na nga lang ng photo ng Rolex sa Chinetime pa hahaha,” hirit naman ng user na drained_throwawayway.
“Pag igit, pikit,” dagdag ng isa pang Reddit user na si bazlew123.
Patuloy ang diskusyon sa naturang thread habang kumakalat ang screenshots sa iba pang social media platforms.
Habang sinusulat ang balitang ito, wala pang inilalabas na pahayag si Tio Moreno kaugnay ng bagong alegasyon tungkol sa umano’y paggamit ng mga larawan mula sa ibang sources para ipakita ang mga mamahaling gamit sa kanyang social media posts. /Bistado


