Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ridon, Diokno mangunguna sa ‘unexplained wealth’ case vs VP Sara

Magkasamang pangungunahan nina House Prosecutors Terry Ridon at Rep. Chel Diokno ang pagpresenta ng ebidensya sa Article II ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte na tumatalakay sa kanyang umano’y unexplained wealth.

Sa House Media Center briefing nitong Huwebes, September 10, kinumpirma ni Ridon na magsisilbi silang “co-leads dito po sa unexplained wealth article,” at inaasahang magsasalitan sa presentations at manifestations.

Target ng prosekusyon na simulan ang Article II sa Lunes, September 14.

“So naghahanda na ang unexplained wealth team para sa pagbubukas ng article na ito,” ani Ridon.

Tatlong unang saksi ang tinukoy ni Ridon na hiniling na nilang ipa-subpoena: retired Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, Office of the Ombudsman records division officer-in-charge Atty. Karen Batu at Securities and Exchange Commission (SEC), Company Registration and Monitoring Department, Director Gerardo Del Rosario.

Inaasahang tatalakayin ni Cabotaje-Tang ang mga prinsipyong nakapaloob sa public accountability at integrity in public office, kabilang ang mga mekanismo kaugnay ng undisclosed at unexplained wealth at prohibited business interests.

Si Batu naman ang inaasahang tatalakay sa particulars ng statements of assets, liabilities and net worth (SALNs) ni Duterte, partikular ang mga isinumite sa Ombudsman. Si Del Rosario ang mag-i-identify at mag-authenticate ng company records na gagamitin ng prosekusyon.

“We have submitted already our request to subpoena these three personalities for next week. So we will wait for the order para masubpoena sila,” sabi ni Ridon.

Inaasahang susunod sa pagkakasunod-sunod ang tatlong saksi, bagama’t sinabi ni Ridon na sa mismong hearing pa pagtitibayin ang final order.

Kabilang din sa mga posibleng susunod na saksi ang personnel ng Bureau of Internal Revenue (BIR), bank managers at Philippine National Police (PNP) firearms division para mag-identify ng partikular na mga dokumento.

Ayon kay Ridon, hawak na ng prosecution team ang tax records nina Duterte at asawa nitong si Manases Carpio. Tinukoy rin niya ang bank records na may kinalaman sa mag-asawa at kanilang mga kumpanya.

Nauna nang binigyan ng impeachment court ang depensa ng 15 araw upang sagutin ang 104 requests for admission ng prosekusyon kaugnay ng bank accounts at records. Maaaring mabawasan ang kailangang tawaging mga saksi kung aaminin ng depensa ang ilang matters, ngunit hindi pinatitigil ng response period ang presentation of evidence.

Sinabi ni Ridon na nakapaloob na sa kanilang timetable ang posibilidad na hindi tanggapin ng depensa ang mga hinihinging admission.

“Pero the best target that you would want to have would be again to terminate it by the first or second week of October,” ani Ridon.

“So factored in na po ito whether they will admit to these requests or not.”

Posible ring hindi na ipatawag ang lahat ng nasa witness list kung sapat na ang maiprisintang ebidensya upang patunayan ang kanilang kaso.

Ayon kay Ridon, layunin nilang “to be able to prove in the soonest time” ang mga kailangang patunayan sa ilalim ng Article II.

Patuloy pa nitong Huwebes ang pagmamarka sa mga karagdagang dokumento. Umaasa si Ridon na magiging handa ang documentary evidence at mga saksi ng prosecution team para sa pagbubukas ng Article II sa Lunes. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles