Akala ng lahat ay nagkaayos na sina Kim Chiu at ate niyang si Lakambini “Lakam” Chiu dahil napabalita noon na may mga kapamilya silang namamagitan para hindi na umabot sa legal na usapin ang reklamo.
Kaya naman marami ang nagulat ng lumabas ang balita na ang Office of the City Prosecutor ng Quezon City ay may nakitang sapat na ebidensya sa naging reklamo ni Kim kaya’t nahaharap ngayon sa 124 counts ng qualified theft ang kanyang ate.
Ayon sa mga naglabasang ulat, nakitaan ng korte ng ‘sufficient evidence’ ang salaysay ni Kim laban sa kapatid kaugnay ng umano’y pagkuha nito ng PHP44.396 million na corporate funds ng kanilang kompanyang House of Little Bunny Philippines, Inc. (HOLB).
Ang naturang kompanya ay nakarehistro bilang pagmamay-ari at pinatatakbo ng magkapatid kung saan si Kim ang tumatayong Presidente at ang kapatid naman ang itinalagang treasurer at general manager.
Ang HOLB ay dealer company ni Kim bilang siya ang exclusive dealer sa Pilipinas ng Thailand-based fashion bags brand.
May investment si Kim na 800k pesos habang si Lakam ay 200k pesos at ito lang din ang may access sa binuksan nilang bank accounts (isang savings at isang checking, para sa magkaibang gamit ng kumpanya) para sa operation.
Tinatayang umaabot na umano sa 69 million pesos ang “ünauthorized withdrawals and transfers” sa checking account at savings accounts ng HOLB Phils. nang matuklasan ito ng aktres-host.
Batay pa rin sa inilabas na resolusyon ng Prosecutor’s Office, bukod sa mga salaysay nina Kim at Lakam citing their sides of their stories, naging importante din ang salaysay ni Helena Tayag ang personal accountant ni Kim.
Sinasabing wala daw maipakitang libro/record si Tayag para sa HOLB lalo’t may tinatayang umabot na din umano sa 36.65 million ang “missing, unaccounted, or potentially misappropriated funds.”
Despite this ay wala naman umanong nakitang sapat na datos na magdidiin kay Tayag para sampahan din ito ng kaso dahil napatunayan nitong wala siyang kinalaman sa kompanya at bilang isang personal na accountant lamang ni Kim ang duty niya.
Ayon naman sa mga abogado ni Lakam, itinatanggi nito ang salaysay ni Kim lalo na yung mga usapin sa paglulustay ng pera sa casino, paggastos ng personal at ang mga posisyon nito sa kompanya dahil anila, si Kim ang lahat ng may alam at kontrol dito.
Mariin ding ipinagdiinan ng kampo ni Lakam na dapat ay civil case at hindi criminal case ang kasong isinampa dahil kapatid niya ang aktres at kasosyo pa sa kompanya,
Subalit hindi ito kinatigan ng piskalya dahil hindi raw sakop ng Article 332 of the Revised Penal Code, o Exemption From Criminal Liability in Crimes Against Property, ang “offenses committed against a corporation” kahit pa magkapatid sina Kim at Lakam.
Ang “injured party” raw ay ang mismong corporation at hindi ang individual stockholders nito. Nararapat daw na sa “full-blown trial” na iprisinta ni Lakam kung anuman ang ebidensiya at depensa niya sa kaso.
At dahil present daw ang anim na elemento para sa qualified theft i.e. “pagnanakaw ng personal property, pag-aari ang property ng ibang tao, may intent na makinabang, ang pagnanakaw ay nagawa nang walang karahasan o pananakot sa pinagnakawan, at ang pagnanakaw ay may halong grave abuse of confidence o naabusong tiwala ng taong pinagkunan nito,” haharapin ni Lakam ang “one hundred twenty four (124) counts of qualified theft.”


