Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Babala ng SEC: Mag-ingat sa unauthorized lending apps

Gipit at natutuksong umutang sa online lending apps? Wait! Check mo muna kung legit ang app!

May babala ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa publiko laban sa mga online lending platforms na walang awtorisasyon na magpautang gamit ang internet at mobile applications.

Ayon sa advisory ng SEC na inilabas ngayong March 12, may mga online lending platforms, mobile applications at websites na hindi awtorisado at hindi pinahihintulutang mag-alok, magproseso o magpautang ng loan products sa publiko. Ang mga ito ay lumalabag sa SEC Memorandum Circular No. 10, Series of 2021 na nagpatupad ng moratorium sa mga bagong online lending platforms simula November 2, 2021. 

Ipinaliwanag ng komisyon na ang patuloy na operasyon ng mga lending platform nang walang pahintulot ay paglabag sa umiiral na mga regulasyon ng ahensya. Ang mga mahuhuling nagpapatakbo ng ganitong serbisyo ay maaaring patawan ng cease and desist order, permanenteng pagsasara ng platform at pagsasampa ng kaukulang kaso sa ilalim ng Lending Company Regulation Act, Financing Company Act, Financial Products and Services Consumer Protection Act at Data Privacy Act. 

Batay sa listahang inilabas ng SEC, kabilang sa mga hindi awtorisadong online lending platforms ang mga sumusunod:

Google Play Store

  • Sofi Loan – online installment (fake Sofi Financing Inc)
  • Masaya Cash: Online Loan App
  • Napaka Tala – Easy Online Loan
  • Peso Funny – Online Cash Loan
  • MoneyAccess: Smart Loan App
  • Cash Ease
  • PesoMate-Fast Loans PH

Apple Store

  • MocaMoca – Safe & Fast Loan (fake Moca Moca app)
  • Atome Loan – Mabilis cash Loan
  • Mabilis Credit – Quick Cash Loan
  • Bee Pera – Philippines loan app
  • Tala Peso – mabilis cash loan
  • Peso Loan – loan app Philippines
  • Tala CashPro – loan app quickly
  • FacilCredit
  • Sigurado Cash – Peso Loan app
  • Micropinnacle Technology Corporation
  • Tala Loan – peso lending app
  • Pesolending
  • MabilisCash – Online Credit Loan
  • TalaCash – Loan App Philippines
  • Tala Pera

Mga website

  • FuseCash Lending Corp
  • Metacash
  • Cashcano
  • Andali cash
  • Bilis Cash
  • PesoQuick
  • Tala Pera
  • KuhaCash
  • Huaxin Loan
  • Catchkash
  • Cash2go
  • Peroloan
  • Bee Pera
  • Valor Credit
  • Pagiram Cash
  • Fintastic Lending Corporation
  • FIS Credit
  • Project Duo Events and Marketing Corporation
  • Fake Megan Credit and Financing Corporation
  • Fake CAVITE TMC LENDING INC

Paalala ng SEC, tanging ang ahensya lamang ang may awtoridad para maglabas ng opisyal na listahan ng mga recorded at pinahihintulutang online lending platforms sa bansa. Ang listahang ito ay makikita sa opisyal na website ng komisyon. 

Para sa mga katanungan, reklamo o pagre-report sa mga iligal na nagpapautang, maaaring makipag-ugnayan sa SEC hotline 14732, sa SEC iMessage Portal sa https://imessage.sec.gov.ph, o sa opisyal na website ng ahensya na https://www.sec.gov.ph.  /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles