Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Joint statement para sa joint image repair?

Trouble, trouble sa second ending ng isang mahusay na batang aktor at ng kanyang twice ex na dating nasa show na GB at ngayo’y regular nang napapanood sa show na EB.

Ayon sa mga kabisto, pini-pressure daw ni kuya si ategurl na maglabas sila ng joint statement tungkol sa latest nilang hiwalayan. Ang gustong packaging: malinis, mutual, walang kontrabida, at walang bahid na makakasagabal sa mga paparating na project ni actor.

Image first, feelings later?

Kaso si ate, hard no raw.

Bulong ng mga kabisto, sawa na raw siyang maging kasangga sa paglilinis ng imahe ng lalaking binigyan na niya ng second chance. May kumakalat pang chika na hindi raw nasunod ni kuya ang pinakamahalagang kondisyon sa relasyon: exclusivity.

Sa public version ni kuya, mutual at amicable ang breakup, wala raw cheating o third party, at gusto niyang hayaan muna silang mag-heal. 

Pero ayon sa mga kabisto, ayaw na raw ni ate na maging co-signatory sa anumang statement na puwedeng magmukhang pareho lang silang may kasalanan. Hindi rin daw niya nakalimutan ang mga panahong todo-suporta siya kay kuya.

Sa public timeline, unang naghiwalay ang dalawa noong 2023, parehong taon na sumailalim si ate sa thyroid surgery. Kalaunan ay nagkabalikan sila, bago muling mauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon. 

Kaya ang peg daw ngayon ni ate: fool me once, fool me twice, pero wala nang third audition para lokohin siya ulit.

Clue? Si ate, mula GB ay lumipat sa EB. Si kuya naman ay mahusay sa mga role na parang laro, pero sa totoong buhay, mukhang game over na talaga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles