Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bambbi Fuentes, may advocacy film na “Mantsa” 

Kilalang mahusay na make-up artist ng mga artista si Bambbi Fuentes. Mula sa mga beteranong artista noong 90’s hanggang sa mga bago ngayong 2020’s, kinikilala ang galing at kalidad ng gawa ni Bambbi kung pagiging glamorosa, maganda at makulay ang pisikal na anyo ng isang celebrity.

Kaya naman sa kanyang bagong papel ngayon bilang isang movie producer, hindi puwedeng “putcho-putcho” din ang kanyang gawa o produkto.

Simula nang mag pandemic noong 2019, at dahil sa kawalan ng activity sa showbiz, isa daw sa pinagka-abalahan ng sikat na make-up artist ang panonood sa Netflix at iba pang film platform.

MANTSA, an advocacy film on mental health, showing on Oct 7… kuha sa FB

Nakahiligan niya ang panonood ng mga mystery thriller stories at psychological horror genre kung saan nga niya naisip ang mga konseptong pwedeng gawing pelikula.

“Yes, noon ko pa naisip ang konsepto ng Mantsa ( ‘Stain’). Naging perfect timing lang na ngayong 2026 namin ito ginawa,” pahayag ni Bambbi.

Prior to Mantsa, nakapag-produce na sina Bambbi ng isang advocacy film na “Sugat Sa Dugo,” (2021) kasama ang negosyanteng si Tine Areola under their movie outfit na Dragons Entertainment Productions, Inc. kasama din si Ric Valenzuela.

“It was an advocacy film about HIV/AIDS. Happy kami sa naging resulta nito noong 2021, kaya naman nakaka-excite na sundan namin ito ng isa pang project na may kinalaman naman sa ‘mental health,” pagpapatuloy pa ni Bambbi.

Personal na pinili ni Bambbi ang mga artistang gumanap sa iba’t-ibang role sa MANTSA.

Nangunguna na diyan ang award-winning veteran actress at isa pa rin sa may mga classic na ganda sa showbiz na si Pilar Pilapil na bilib na bilib sa husay ng make-up artist.

“I can’t say no to Bambbi. I’ve known her for quite a time. Concept pa lang at wala pang script, napa-oo na agad niya ako,” saad ng maganda pa ring aktres.Gumaganap bilang “lola Pacita” ng mga batang bida sa movie si Pilar na tila may lihim na itinatago sa isla kung saan sila nakatira.

“Maloloka kayo sa role ko dito. Hindi siya basta kontrabida lang,” pagmamalaki pa ng beteranang aktres.

“I’m so excited about this film. Mahuhusay ang mga kasama ko dito at napakagaling ng aming direktor (Louie Ignacio). What more I can say lalo’t our producers (Bambbi and company) truly take care well of us, ” dagdag pa ni Pilar.

Ang pinaka-naka-attract daw kay Pilar sa story ni Bambbi ay yung simpleng kuwento nito pero intriguing ang mga complications dahil more of a “mental thing” nga yung approach.

Paliwanag ni Pilar, “I read the whole story, and it’s a good story. And it’s not a very simple treatment. It’s not gonna be a simple treatment. It’s gonna be a bit complicated. And I like complications to the story. And with regards to my role, it’s kinda… I like it because I don’t talk much. There’s not much dialogue. Very limited ang dialogue and brief, but there’s a lot of nuance in the role, which I like.”  

Mabigat ang casting ng MANTSA dahil bukod kay Pilar ay bida din dito sina Janice de Belen, Snooky Serna, Gelli de Belen, Lloyd Samartino, Dino Guevarra, MIles Poblete at ang mga bagets na sina Shira Tweg, Khai Flores, LA Santos, Bo Bautista,Than Perez, RJ Ariar, among others. 

Mag-uumpisa itong mapanood sa mga sinehan nationwide sa Oct. 7.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles