Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ryan Bang, “makahanap pa kaya ako ng tulad ni Yeng?”

Emosyonal pa rin ang It’s Showtime host na si Ryan Bang every time na napag-uusapan ang tila nasayang nilang ‘almost romance’ ni Yeng Constantino.

Marami ang naawa sa guwapong Korean actor-host nang muli itong magbuhos ng emosyon sa programa matapos siyang “haranahin” ni Yeng sa Biyaheng Bente concert nito kamakailan.

Simula nang ma-reveal sa madla ang naudlot sana nilang “romance” naging sentro na ng biro si Ryan lalo’t mismong si Yeng ang nagsabi na siya maý nanghinayang noong mga time na silaý nagkapalagayan ng loob.

“Makahanap pa kaya ako ng gaya ni Yeng?,” tanong ni Ryan Bang… mula sa IG

Inakala nga daw kasi noon ni Yeng na hindi naman seryoso at interesado sa kanya si Ryan na inamin niyang “super crush”  nitya at willing pa nga siyang ilibre sa mga dinner date samahan lang siya.

Sa kabilang banda, dahil nung mga time daw na yun ay wala pang pangalan at pera si Ryan after his PBB stint, naduwag at natakot daw itong mag-pursue ng panliligaw sa nooý sikat ng si Yeng.

After almost twenty years nga ay muli itong napag-usapan at tinawag ito ng marami na “naudlot” na pagmamahalan sana.

Pamilyado at masaya na sa kanyang buhay may-asawa si Yeng, habang si Ryan na mas piniling maging ‘pinoy’ simula nang magkaroon siya ng career sa local showbiz, ay muling naging single.

Hurting at in pain pa rin daw ito dahil sa naudlot sanang pagpapakasal sa kanyang pinay girlfriend.

“Bakit hindi ako makahanap? Makahanap pa kaya ako ng tulad ni Yeng?,” ang emosyonal nitong nasambit sa estado niya bilang isang lalaki. Bigo siya diumano na makatagpo ng tunay na pag-ibig at isang babae na magpapasaya sa kanya.

Siniguro naman ng kanyang mga Kapamilya sa programa partikular na ang mag-partner na sina Vice Ganda at Ion Perez na itinuturing siyang ‘änak’ na siya ang hahanapin ng pag-ibig kaya’t huwag itong malulungkot.

Ang madlang pipol ay nagpahayag din ng suporta at pagmamahal sa natural comedian ng show lalo’t higit pa nga daw ang pagka-pinoy nito kesa sa pagiging isang Koreano.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles