Nanganak na si Alex Gonzaga last August matapos ang mga hirap sa pagbubuntis na pinagdaanan nito.
Tatlong beses na nakunan ang kilalang socmed sensation at asawa ni Lipa City Councilor MIkee Morada at kapatid naman ni Toni Gonzaga.
Anim na taon ng nagsasama sina Alex at Mikee at itinuturing nilang napakalaking biyaya ang pagdating ng kanilang baby boy.
Wala namang eksaktong araw last August kung kailan talaga nanganak ang dating tv-host-actress, pero last Aug. 27 ito ibinalita sa socmed ng kanyang mahal na inang si Pinty Gonzaga.
Matatandaang sobrang emosyonal ang aktres-host sa mga nagdaang pagsubok sa kanyang pagbubuntis kaya naman ng ini-anunsyo niyang ‘finally’ ay nakabuo uli sila, nangako itong mas magiging maingat at susunod sa lahat ng bilin ng kanilang doktor.
Nasanay na kasi ang madla na makitang kikay, makulit, madaldal at galawgaw si Alex kaya’t inunawa ng lahat ang kanyang tila paglay-low sa mga activities niya para sa pagbubuntis.
Aniya nga niya dati nang biyayaan siya uli ng pagbubuntis sa ika-apat na pagkakataon, “after almost 6 years of marriage and 3 heartbreaking losses, we never lost faith and continued to surrender everything to the Lord.”
Maliban sa ilang photos ng proud moment ng panganganak ni Alex ay wala ng ibang detalye pang isinapubliko ang pamilya.


