Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Jhong Hilario, nag-react sa isyung ginagamit ang anak

“Not at all. No way,” ang reaksyon ni aktor-host Jhong Hilario nang makapanayam ito ng BISTADO kamakailan tungkol sa isyung diumanoý ginagamit nito ang anak na si Sarina para pagkakitaan.

“Bahala silang mag-isip ng ganyan pero kung nasusubaybayan naman ninyo ang naging journey ni Sarina sa socmed, walang pagkakataon na hindi namin ito nagabayan,” dagdag pang sagot ni Jhong, kasama ang asawang si Maia Azores.

Simula kasing sumikat si Sarina sa social media ay napunta na rin ito sa TV at maging sa mga out of the country shows kasama ang ama.

May ilang netizen at showbiz observers na nagsasabing “pinagkakakitaan” nga umano ng mag-asawa ang ngayoý five years old na nilang anak na sumikat na rin dahil sa pagiging bibo nitong, sumayaw, kumanta, magsalita at makipagkuwentuhan sa madla.

“She has her own savings. Lahat ng kanyang nakukuha mula sa mga engagements at ilang endorsements. guesting at iba, lahat yun nakatabi sa kanyang account,” sambit pa ni Jhong.

Since day one nga daw na na-expose ang bata sa socmed, never nila itong hinayaang mag-isa at walang parental guidance.

Kahit pa nga daw ng ipasok nila ito sa isang public school para sa kanyang nursery schooling, naka-balanse ang activities nito sa education, sa playtime at pakikipag-bonding sa family and friends,.

“Napaka-normal ng kanyang kabataan. Huwag naman sanang gawan o hanapan ng kung anong negative. She is enjoying her being a kid at anak namin at kami ay laging nandyan for her. Wala siyang lakad o ginagawa ng walang proper guidance at mentor na kasama,” saad pa ng mag-asawa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles