Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Daddy pembarya! Razon, richest Pinoy ngayon

Si ports at casino tycoon Enrique Razon Jr. na ngayon ang pinakamayamang Pilipino matapos manguna sa 2026 World’s Billionaires List ng Forbes.

Batay sa listahan na inilabas ng Forbes kamakailan, nasa ika-175 puwesto sa buong mundo si Razon na may tinatayang net worth na $16.5 bilyon.

Ang 66-anyos na negosyante ay chairman ng global port operator na International Container Terminal Services Inc. o ICTSI. Malaking bahagi ng kanyang yaman ay nakatali sa kanyang stake sa ICTSI at sa gaming firm na Bloomberry Resorts Corp., operator ng Solaire Resort and Casino.

Sumunod sa kanya sa listahan ng pinakamayayamang Pilipino ang taipan na si Lucio Tan. Ang 91-anyos na negosyante ay may net worth na $3.5 bilyon ngayong taon. Ang negosyo ni Tan ay sumasaklaw sa iba’t ibang industriya kabilang ang tobacco, alak, banking, airlines, at real estate. Kabilang sa mga kumpanyang bahagi ng kanyang conglomerate ang Fortune Tobacco, Asia Brewery, Philippine National Bank, Philippine Airlines, at Eton Properties.

Samantala, ang diversified conglomerate na pinamumunuan ni San Miguel Corporation chair Ramon Ang ay nanatiling kabilang sa pinakamayayamang Pilipino. Ang net worth ni Ang ay tinatayang nasa $3.6 bilyon ngayong 2026.

Samantala, bumaba naman ang net worth ng real estate magnate na si Manuel Villar, na siyang nanguna bilang richest Filipino noong 2025. Ayon sa ulat, malaki ang ibinagsak ng kanyang yaman matapos ang kontrobersiya kaugnay ng umano’y misleading disclosures ng kanyang property conglomerate na Villar Land Holdings, na dating kilala bilang Golden MV Holdings. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles