Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

PH factory growth pinakamalakas mula 2016

Bumilis nang husto ang manufacturing activity sa Pilipinas noong August, na nagtala ng pinakamalakas na production growth sa halos isang dekada dahil sa lumalakas na demand, pagbangon ng exports, at muling pagkuha ng mga manggagawa.

Umakyat sa 54.9 ang S&P Global Philippines Manufacturing Purchasing Managers’ Index (PMI) mula 51.8 noong July. Ikaapat na sunod na buwan itong tumaas at pinakamataas na reading mula December 2016.

Ang PMI na lampas 50 ay indikasyon ng expansion sa manufacturing sector, habang ang mas mababa sa 50 ay nangangahulugan ng contraction.

Kasabay nito, pinakamabilis din mula December 2016 ang paglago ng factory output.

Pinakamalakas sa loob ng anim na buwan ang pagtaas ng new orders, na sinuportahan ng product launches, repeat business, at paglawak ng customer base.

Bumalik din sa growth ang export orders matapos ang anim na magkakasunod na buwan ng contraction, indikasyong hindi lamang domestic demand ang nagtutulak sa manufacturing expansion.

Dahil sa mas maraming orders, tinaasan ng manufacturers ang kanilang purchases sa pinakamabilis na pace sa anim na buwan at muling nagdagdag ng workers. Umabot ang job creation sa pinakamalakas nitong level sa loob ng 21 buwan.

“The Filipino manufacturing sector continued to build momentum in August,” sabi ni S&P Global Market Intelligence economist Maryam Baluch.

Humina naman ang pressure mula sa mga production costs. Bagama’t nanatiling mataas ang energy, raw material, at logistics costs, bumagal ang pagtaas ng input prices, habang bumaba sa six-month low ang selling-price inflation.

Umakyat din sa 21-month high ang business confidence dahil sa expansion plans, bagong product lines, at inaasahang pagdami ng customers. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles