Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Marcos: ICI final report, lalabas na soon

Malapit nang matapos ang final report ng Inter-Agency Committee on Infrastructure (ICI) kaugnay ng imbestigasyon sa ilang infrastructure projects ng pamahalaan.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mamamahayag sa ginanap na Kapihan with the Media ngayong Martes (New York time). 

Ayon sa Pangulo, kasalukuyang pinagsasama-sama ng komisyon ang kanilang mga natuklasan habang tinatapos ang final report na magsisilbing basehan ng posibleng ligal o administratibong aksyon.

“Right now what the ICI is doing is that they are collating all of their findings because dadalhin nila – they are also writing their final report. I think baka tapos na,” pahayag ni Marcos.

Dagdag pa ng Pangulo, halos natapos na ng komisyon ang kanilang mandato matapos ang mahabang pagsusuri sa mga proyekto.

“Essentially within the ICI itself has made a determination that much of their work has already been done,” ani Marcos.

Ipinaliwanag din ng Pangulo na ang susunod na hakbang ay ang pagpapasa ng mga nakalap na impormasyon sa Department of Justice o sa Office of the Ombudsman, depende kung alin ang may angkop na jurisdiction.

Tumanggi naman si Marcos na magbigay ng komento kung ano ang magiging susunod na papel ng komisyon matapos isumite ang kanilang ulat.

“Now, what will happen afterwards is, let us see what else that they can do but for now their brief has already been fulfilled,” aniya.

Binuo ni Marcos ang ICI noong September 11, 2025 sa pamamagitan ng Executive Order No. 94 para imbestigahan ang mga alegasyon ng iregularidad sa flood control at iba pang infrastructure projects. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles