Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

5 timbog sa CamSur habang nagre-repack umano ng unregistered cooking oil

CAMARINES SUR – Limang katao ang inaresto matapos umano silang maaktuhang naglilipat at nagre-repack ng unregistered cooking oil para ipamahagi at ibenta sa mga retailer sa isang warehouse sa Barangay Topas Proper, Nabua, Camarines Sur.

Isinagawa ang operasyon mula alas-1:45 hanggang alas-4:40 ng hapon noong August 26 sa bisa ng search warrant para sa umano’y paglabag sa Republic Act No. 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009.

Pinangunahan ito ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Camarines Sur Provincial Field Unit, katuwang ang PNP Special Action Force, Camarines Sur Maritime Police Station, Regional Intelligence Unit 5, 2nd Provincial Mobile Force Company ng Camarines Sur Police Provincial Office, at Nabua Municipal Police Station.

Ayon sa report kay CIDG Director, PMGen. Robert AA Morico II, nadatnan umano ang limang suspek habang inililipat ang cooking oil mula sa plastic containers at nire-repack sa mga bote para sa distribution at sale sa mga retailer.

Sinabi ng CIDG na hindi umano rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA) ang cooking oil, habang wala rin umanong License to Operate (LTO) ang warehouse.

Ito ang naging batayan ng operasyon at pag-aresto sa limang suspek kaugnay ng alleged violation ng RA 9711, na nagbabawal sa manufacture, distribution, sale, at offering for sale ng food products nang walang kinakailangang FDA authorization at registration.

Isang indibidwal na tinukoy sa police report ang nananatiling at large.

Tinatayang aabot sa P677,862 ang halaga ng nasakoteng cooking oil. 

Kasama sa mga nakumpiska ang iba’t ibang containers ng cooking palm oil, tatlong digital weighing scales, mga dokumento, at isang closed van na umano’y ginagamit sa transportasyon ng produkto. Inimpound ang sasakyan.

Dinala ang limang naaresto at mga nakumpiskang ebidensya sa CIDG Camarines Sur Provincial Field Unit para sa documentation at proper disposition habang inihahanda ang kaukulang kaso. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles