Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

43 marahas na insidente naitala sa BARMM; 1 lang ang itinuturing na election-related

COTABATO CITY – Umabot na sa 43 marahas na insidente ang naitala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) mula nang ipatupad ang gun ban para sa September 14 Bangsamoro Parliamentary Elections, pero isa lamang dito ang itinuturing ng Commission on Elections (Comelec) na election-related.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ang August 15 ambush kay BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua ang tanging insidenteng itinuturing na may kaugnayan sa nalalapit na halalan mula nang magsimula ang gun ban noong July 16.

Nasa Cotabato City si Garcia nitong Martes para sa pulong kasama ang police, military, at iba pang security sectors sa BARMM.

Hanggang August 24, nakapagtala ang Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) ng 40 shooting incidents, ayon kay PRO-BAR spokesperson Capt. Steffi Salanguit.

Hindi pa kasama rito ang tatlong gun attacks na naitala nitong Martes sa Cotabato City, Maguindanao del Norte, at Maguindanao del Sur, kaya umabot sa 43 ang kabuuang insidente.

Hanggang Lunes, pinakamarami ang Maguindanao del Sur na may 15 gun-related incidents, kasunod ang Maguindanao del Norte na may 13, Lanao del Sur na pito, Basilan na apat, at Cotabato City na isa.

Noong August 25, isang solar energy worker ang binaril at napatay sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, dakong alas-10 ng umaga. Sinundan ito ng gun attack laban sa isang lalaki sa Barangay Kalanganan 2, Cotabato City.

Sa Datu Paglas, Maguindanao del Sur, isang miyembro naman ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ang binaril ng kanyang nakatatandang kapatid matapos ang mainitang pagtatalo.

“Most of these shooting incidents were due to personal grudges, clan feuds, robbery holdups, and those related to the illegal drug trade,” sabi ni Salanguit.

Mula nang ipatupad ang gun ban noong July 16, 14 katao na ang nasawi at walo ang nasugatan sa mga naitalang insidente. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles