Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

DOST target dagdagan ng 2,407 ang scholars sa 2027

Target ng Department of Science and Technology (DOST) na suportahan ang 67,504 scholars sa 2027, mas mataas ng 2,407 kumpara sa bilang ngayong taon.

Sa proposed 2027 national budget, P8.67 billion ang nakalaan para sa scholarship programs ng DOST, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Katumbas ng 3.70 percent increase ang target na 67,504 beneficiaries mula sa 65,097 scholars na pinondohan sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act.

Pinakamalaking bahagi ng proposed funding, P7.55 billion, ang mapupunta sa DOST-Science Education Institute (SEI), na nangangasiwa sa undergraduate at graduate scholarships at specialized training programs.

May P1.12 billion naman na nakalaan para sa Philippine Science High School System (PSHSS), na nagbibigay ng specialized secondary education sa science, technology, engineering, at mathematics o STEM.

Ayon kay DBM Acting Secretary Kim Robert de Leon, layunin ng dagdag na pondo na palawakin ang pagkakataon ng mga kabataang Pilipino na makapag-aral sa STEM fields at kalaunan ay makatulong sa agriculture, health, disaster resilience, digital transformation, at iba pang sektor.

Noong 2026, P8.3 billion ang inilaan para sa DOST-SEI at PSHS scholarship programs na sumuporta sa 65,097 scholars.

Nasa Kongreso na ang 2027 National Expenditure Program, na magiging batayan sa pagbuo ng General Appropriations Bill.

Panukala pa lamang ang P8.67-billion scholarship allocation at maaari pang mabago habang dinidinig ng Kongreso ang proposed national budget. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles