Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Parcel na idineklarang blouse, may lamang P756k worth ng marijuana

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark ang humigit-kumulang 504 gramo ng high-grade marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P756,000 sa Clark International Airport sa Pampanga.

Nakatago ang iligal na droga sa isang parcel na idineklara lamang bilang “women’s woven shirt” o blouse. Dumating ang nasabing package mula sa Canada noong Pebrero at nakatakdang ihatid sana sa isang address sa Dasmariñas City, Cavite.

Na-flag ng mga opisyal ng customs ang shipment matapos ito dumaan sa routine inspection sa cargo facility ng paliparan.

Isinailalim sa K-9 sniff test ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang parcel. Nagbigay ng positibong indikasyon ang narcotics detection dog na may laman itong ipinagbabawal na droga.

Matapos buksan ang package, natuklasan ng mga awtoridad ang high-grade marijuana na kilala rin bilang kush na nakatago sa loob.

Agad na kinumpiska ng BOC ang iligal na droga at isinailalim sa imbestigasyon ang shipment bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa pagpasok ng iligal na droga sa bansa

Patuloy ding nakikipagtulungan ang BOC sa PDEA at iba pang law enforcement agencies para matukoy ang mga taong nasa likod ng tangkang magpasok ng iligal na droga sa bansa sa pamamagitan ng mail at cargo system. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles