Tiyak na naging special para sa mga Kapusong Dabawenyo ang Kadayawan Festival ngayong taon dahil present ang ilang Kapuso stars sa selebrasyon last August 15, courtesy of GMA Regional TV and Synergy.
Paglabas pa nga lang sa entablado ng Ayala Malls Abreeza Activity Center ay pinagkaguluhan na ang Hari ng Tondo stars na sina Dennis Trillo, Ruru Madrid, at Ysabel Ortega. Damang-dama ang pagmamahal sa kanila ng fans na all out sa pakikibahagi sa mga sorpresang hatid nila sa Kapuso Mall Show.
Give na give rin ang supporters nina Delivery Boi stars Mika Salamanca at Will Ashley na nag-uumapaw sa youthful energy. Hiyawan ang lahat sa mga nakakakilig at nakaaaliw na performances ng MikWill na siguradong bumuo sa araw ng mga nagpunta.
Grateful ang Kapuso stars sa mainit na pagtanggap ng mga Kapusong Dabawenyo sa kanila. Kitakits sa susunod na event ng GMA Regional TV!


