Pinuri ng mga netizen ang singer-actress na si Zsazsa Padilla natapos itong mag-post sa kanyang “X” account (dating Twitter) ng tila paalala sa mga empleyado ng airline companies na mas maging ‘receptive at conscious’ sa iba kapag nasa work places nila.
Sey nito sa kanyang ‘X’ post,
“I’m seated getting ready to board for my flight and two airport employees are talking beside each other. I can hear them talking even though I’m wearing my noise reduction headsets. I kept checking if they were on or off. Anyway, while typing this I had to tell them I could hear them. Nag sorry naman. Sana matuto na din tayong mga Pinoy na may ethics sa work. Ako din guilty sa ganyan and I catch myself talking too loud sa katabi ko.”

Marami ang nagpadala ng reactions sa post ni Zsazsa at sinabing naka-relate sila sa sinasabi nito lalo’t tila ginagawa nga daw ‘very common and natural’ ng mga pinoy ang ganung gawain.
Subalit may mga nagkwestyun din sa actress-singer na keri daw kaya niya yung gawin kapag ibang lahi ang nagkataong gumawa noon at hindi mga kapwa pinoy?
May mga nam-bash pa nga dito na tila OA at masyado naman daw yatang itong ‘entitled’ sa pagiging known celebrity niya.

Isa pa rin si Zsazsa sa mga regular artists sa ASAP XP na nag-reformat na by mounting shows here and abroad.
Ngayong September 13 ay sa Pampanga naman magkakaroon ng concert ang ASAP XP, kung saan makakasama niya ang mga kapwa award winning performers na sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Erik Santos at Lani Misalucha.


