Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Khalil Ramos, nag-ala-Anne Hathaway ang iskedyul

Kinagiliwan ng netizen ang pag-mimic ni aktor Khalil Ramos sa kanyang mga iskedyul sa nag-viral at pinag-usapang IG update ng hollywood superstar Anne Hathaway late last year.

Sa kanyang IG account (khalilramos) ay pinost nga ni Khalil sa kanyang bio ang mga projects na nakatakdang ipalabas this year.

Nitong August 19 nga ay nag-post si Khalil ng mga naka-line up movie releases ng mga nagawa niyang projects gaya ng  “Saving Cherry,” the Prime Original series “Honor Thy Mother” at ang fantasy film “Patay Gutom.”

Biro pa ng aktor sa post, “O, sorry @annehathaway.” Isinama din niya sa post ang mga stills ng mga naturang movies.

Kinaaliwan nga ito ng kanyang mga showbiz friends and supporters.

Komento ng aktres na Iza Calzado, “HAHAHAHAHA!!!! Seriously, you deserve all the blessings! Congratulations!!.”

Ganting biro naman ng gf nitong si Gabbi Garcia, “Anne Hathaway is shaking, sama mo na si Tom and Zendaya,” referring to Hollywood actors Tom Holland and Zendaya.

Kahit ang mga ordinaryong fans ni Khalil ay naaliw sa bio update ni Khalil kaya’t maging ang SM Mall of Asia Cinema page ay naki-join na din sa tila makulit nitong update.

Ibinahagi ng naturang page ang screenshot ng aktor sabay sama naman ng mga iskedyul ng shopping complex’s events and activities.

Post din ng same page, “O sorry, Khalil Ramos Anne Hathaway,” at naka-tag din ang mga Instagram accounts nina Khalil and Anne.

May ilang netizen na tinapatan ang bio update post ni Khalil na pati mga utang at bayarin nila sa kanilang mga bills ay ginawang update.

May ilang negatrons o bashers naman na nagsasabing clout chasers ang aktor pati ang SM lalo’t nagamit nila ang Hollywood superstar sa mga pakulo nila.

May humirit pang nag-aambisyon marahil ang hindi naman ganun ka-sikat na aktor na maihilera siya sa gaya ng isang Anne Hathaway.

Pero marami ang nagtatanggol at simpleng nagparating na “nakaka-good vibes” lang ang ginawa ni Khalil at alam naman siguro nito ang kakayahan niya o level bilang isang local actor.

Last year, naging world-wide trending nga si Anne dahil sa pag-update niya ng kanyang IG bio by posting her film projects namely: “Mother Mary” (April), “The Devil Wears Prada 2” (May), “The Odyssey “(July), “The End of Oak Street “(August), at “Verity” (October).

Naging award-winning actress si Anne at nakilala sa mga film roles niya gaya ng “The Princess Diaries,” “The Devil Wears Prada,” “The Dark Knight Rises” “Les Misérables,” and “The Idea of You.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles