Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

National age-group triathlon, dadayo sa Camotes Island

Dadayo sa Camotes Island, Cebu ang Triathlon Association of the Philippines para sa 2026 National Age Group Triathlon Series sa Oktubre 24 at 25.

Ang isla ay isa sa mga umuusbong na destinasyon para sa sports, adventure at turismo.

Ang duathlon ay unang gaganapin sa Oktubre 24 simula 6 a.m. sa Tudela at Poro, na susundan ng aquathlon 3 p.m. sa Santiago Bay.

Magtatapos ang weekend sa pamamagitan ng triathlon sa Oktubre 25, 6 a.m. din, sa Santiago Bay.

Itatampok sa torneo ang Elite, Junior Elite, Youth/U15, Super Tri Kids, at Age Group categories, na magtitipon ng mga atleta mula sa iba’t ibang edad at antas ng kakayahan.

Bukod sa kompetisyon, susuporta ang Camotes leg sa grassroots development at talent identification programs ng Triathlon Philippines.

Bilang bahagi ng pangmatagalang estratehiya sa pagpapaunlad ng mga atleta, itinatatag din ng Triathlon Philippines ang National Youth Training Pool upang tukuyin at paunlarin ang potensyal ng mga batang triathlete sa bansa.

Magiging mahalagang bahagi ang programa ng paghahanda ng bansa para sa 2027 Southeast Asian Games Plus Youth, na gaganapin sa Pilipinas.

Ang torneo na may 23 events ay para sa mga atleta edad 16 pababa at gaganapin sa Maynila, Pasig, Tagaytay at Subic.

Layunin ng Triathlon Philippines na ihanda ang susunod na henerasyon ng mga atleta na tutuntong sa international stage.

“Bringing the National Age Group Triathlon Series to Camotes Island is about more than staging races. It is about creating opportunities for young athletes, discovering future champions, and building a clear pathway for their development as we prepare for the 2027 SEA Games Plus Youth,” pahayag ni Triathlon Philippines president Tom Carrasco Jr.

Makakatulong din ang event sa mga sports tourism initiative ng Philippine Sports Commission na gamitin ang sports upang itaguyod ang mga lokal na destinasyon, lumikha ng mga oportunidad para sa mga komunidad, at mahikayat ang mas maraming Pilipino na mamuhay nang aktibo at malusog.

Handa naman ang Camotes Island para sa isang weekend ng sports, turismo, at pagpapaunlad ng kabataan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles