Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

SSS: Di kailangan mag-apply para sa ₱12-K UPLIFT ayuda

Hindi na kailangang mag-apply ng mga low-income worker sa La Union para sa ₱12,000 cash assistance sa ilalim ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Program, paglilinaw ng Social Security System (SSS).

Ayon kay SSS La Union branch head Francisco Pentecostes, pre-selected na ang Category 3 beneficiaries sa pamamagitan ng data matching.

Payment channel lamang ang SSS para sa pondong nagmula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Tatanggap ang mga kuwalipikadong benepisyaryo ng ₱2,000 kada buwan mula July hanggang December 2026, o kabuuang ₱12,000.

“Selection is based entirely on the master list provided by the Philippine Statistics Authority through its Community-Based Monitoring System,” ani Pentecostes.

Ibig sabihin, hindi maaaring maging kuwalipikado ang mga manggagawang wala sa database ng Philippine Statistics Authority (PSA), kahit ₱20,000 o mas mababa ang kanilang buwanang kita.

Upang mapasama sa programa, kailangang nakalista ang manggagawa sa Community-Based Monitoring System (CBMS) ng PSA, kumikita ng hindi hihigit sa ₱20,000 kada buwan, at may active bank account na nakarehistro sa SSS database noong April 2026.

Sa 1.5 milyong target beneficiaries sa buong bansa, mahigit 900,000 na ang nakatanggap ng cash assistance.

Gayunman, may ilang payment na ibinalik dahil inactive, sarado o invalid ang nakarehistrong bank account ng benepisyaryo.

Pinapayuhan ang mga nakatanggap ng kumpirmasyon na kuwalipikado sila ngunit hindi pa nakatanggap ng ayuda na i-update ang kanilang bank information sa My.SSS account sa member.sss.gov.ph.

“Once corrected, unpaid monthly grants, including the July installment, will be credited automatically in the next payout schedule,” ani Pentecostes.

Pinaalalahanan din ang mga kuwalipikadong manggagawa na panatilihing updated ang kanilang bank details sa My.SSS portal upang maiwasan ang delay sa mga susunod na UPLIFT payment. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles