Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Anne Curtis, may pinagdadaanan ang “health”

Pinag-uusapan ng netizen ang latest post ni multimedia actress Anne Curtis hinggil sa kanyang “health issue.”

Bahagi ng nasabing post ang pakiusap at personal na apela ng aktres-host na huwag idetalye ang anumang usapin tungkol sa kanyang kalusugan.

Nagsimula ang isyu sa isang event kamakailan kung saan endorser si Anne ng isang ‘brand,’ ay napuna ng kanyang mga tagahanga ang tila “bukol” sa kanyang leeg.

Naging kapansin-pansin din ito sa mga naglabasang photos na ni-rilis ng nasabing luxury wellness brand na si Anne nga ang kinuhang endorser.

Sa pagtatanong ng ilang netizen na tila nabahala sa sitwasyon ng aktres, sumagot ito ng:

“It is not something I would like to talk about. I would like to keep things I am going through privately. But to anyone concerned, I am doing okay.”

Hindi na ito pinalawig o pinahaba pa ni Anne though tinuran nitong malaking bagay na ang bawat tao ay nagbibigay ng mataas na prayoridad at pagpapahalaga sa kanilang kalusugan.

Payo pa nito, “It is very important you listen to your body. If there is anything I want to share, when you reach a certain age, do executive checkups and invest in your health.”

Bukod sa latest endorsement ng aktres sa magkakaibang brands (ayon sa nakalap ng BISTADO) na tinatayang mayroon siya ngayong mahigit na active 15-product and services endorsements, from food to apparel, hair products, beauty products, etc., abalang abala din si Anne sa It’s Showtime sa ABS-CBN at sa muling pag-arte niya via “Buybust The Undesirables,”sequel ng action-hit movie niyang Buybust

Hindi pa diyan kasama ang kanyang pagiging ‘hands on mom’ sa anak na si Dahlia at bilang very supportive wife to husband Erwan Heussaff.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles