Pinag-uusapan ang isa na namang sighting kina Lucena City Mayor Mark Alcala at young superstar Kathryn Bernardo sa isang mall kamakailan.
Pero hati o mixed pa rin ang reaction ng mga netizen sa pinag-uusapang ‘mall sighting’ sa dalawa. Masyado na daw kasing hard launch ang ginagawang laging pagpapakita sa public nina Kath at Mark.
May mga nagsasabi pa na nabawasan na ng interes ang madla dahil sa pinatagal pa nila ang tila pagpapakita ng kanilang totoong relasyon. Sey pa ng ilang netizen, “matagal ng nag-assume ang sambayanan sa relasyon nila dahil na rin sa mga sighting sa kanila. Ang dami nilang eklay as if mga teenager na ngayon lang na-in love then may mga ganyang PDA, sinasadya man o hindi.”
Ang sinasabing PDA ng netizen ay yung pagpunas daw ni Kath sa labi ni Mark dahil may something yata ito habang nasa escalator sila.
Naging isyu din sa iba ang pagtanggi diumano na maka-piktyuran sila ng mga nakaka-kilalang mga tao sa kanila. “Mukhang bawal o hindi pa sila ready to have pictures na ‘together’ kasama ng mga fan,” pag-obserba ng mga nakapagpapicture naman daw kay Mark.
Sa kabilang dako, marami din naman ang nagsasabing kinikilig sila at aprub na aprub sa kanila ang relasyon ng dalawa. May mga nag-coin pa ng mga names nila at tinawag silang MarKath o di kaya’y KathMark, na usong-uso sa showbiz.
May iba pa ngang nagsabi na excited na silang makarinig ng wedding bells soon. Habang may mga nag-aakusa naman kay Lucena City Mayor Mark na napaka-aga pa nitong magparamdam para sa 2028 elections. /Bistado


