Nang dahil sa iskandalong nalikha ng alegasyon ni Park Bom laban kay Sandara Park, tuluyan nang hindi ni-renew ang nag-expire ng kontrata ng huli sa Abyss Company.
Parehong matatawag na pioneer ng K-pop culture ang dalawang magkasama sa dating sumikat na 2NE1 K-Pop group, pero nang dahil sa mga kontrobersya, nabuwag ito at tila hindi na rin sila magkaibigan kung pagbabasehan ang social media activities at links nila.
Contract artist ng talent agency na Abyss si Sandara since 2021, pero dahil nag-expire na ito nito lang 2026 at nataon pang may drug use scandal na sumulpot, hindi na nga siya ni-renew uli.
Sa kultura ng showbiz media sa South Korea kung saan nga sumikat si Sandara, once na ma-involve ang celebrity sa kahit anong iskandalo, tiyak na threatened na ang career nito. Kadalasan pa nga ay nauuwi sa mas matinding “life and death situation” kapag hindi makayanan ng involved ang stress at pressure.
Sa naging alegasyon ni Bom laban kay Sandara na kanyang pinost last March 3 (isang handwritten letter na ngayo’y tinanggal na) inaakusahan nito ang kapwa 2NE1 member hinggil sa naganap na 2014 drug controversy.
Muling ni-link ni Bom si Sandara sa naging akusasyon sa kanyang pag-import ng tinatawag na “psychotropic medication Adderall” papasok sa South Korea noon pang 2010.
Ayon sa mga balita noon sa kasong kinaharap ni Bom, sinuspinde ng prosecutor ang kanyang kaso matapos madetermine na ang naturang gamot ay isang ‘prescribed medicine.’ Pero kahit may ganun pang suspension, matindi din daw ang inabot na backlash nito sa imahe at karir ni Bom.
Sa naturang handwritten message, sinabi ni Bom na may “something sensitive and frightening” siya na i-re-reveal na patuloy pa ding nakaka-apekto sa kanyang mental well-being. Muling ipinagdiinan ni Bom na ang Adderall ay prescribed meds niya para sa kanyang Attention Deficit Disorder (ADD) case.
Sa naging akusasyon niya, diumano ay pinagmukha siyang “addict” noon para lang ma-cover ang involvement ni Sandara sa isyu ng drug use.
Hindi na in-identify ni Bom kung sino daw ang nag-orchestrate ng sitwasyon nila, pero pinalalabas niyang tila mas prinutektahan noon si Sandara.
Tahasan na itong dinenay ni Sandara sabay sabi nitong “I wish her well,” para kay Bom.
Kahit mahigit sampung taon na mula nang pumutok ang isyung ito, nananatiling tikom ang bibig ng mga kumpanyang kapwa nila pinaglingkuran. Kagulat-gulat man ang muling pagsulpot ng usapin ngayong 2026 after quite a while, still ay walang kahit na anong detalye na binanggit ang Abyss Company at hindi rin nito kinumpirma o dineny ang alegasyon ni Bom.
Ayon pa sa ilang ulat, hindi na makikita ang profile ni Sandara sa official website ng Abyss Company gayung nandun pa ang ibang artists na kasabayan niya. Subalit sa official IG account naman ay nananatiling nandun ang mga photos at videos ni singer-actress-host.
Aktibo pa rin ang personal socmed accounts ng minsang tinawag na pambanasang krung-krung ng Pilipinas at dagsa pa rin ang mga komento, payo, paniniwala at opinyon na nagbibigay suporta sa kanya.
Taong 2021 nang pumirma ng kontrata si Sandara sa Abyss Company matapos ngang i-anunsyo ng kilalang YG Entertainment sa parehong taon na nagwakas na ang kanilang partnership na inabot din ng 17 taon.
“I have never used drugs. I wish her well,” ang mensaheng ipinarating ni Sandara para kay Bom na sinundan nga ng mga mensahe din mula sa mga supporter nila.
Ilan nga dito ang mga sumusunod na mababasa sa IG account ni Bom:
- “WE LOVE YOU. But can u stop?”
- “We love you, Park Bom. Blackjack will always support 2NE1. None of us want to see you go through this. I know you don’t wish for this to happen either. If possible, please go back to America for treatment. Your health matters the most. Please be well. We just want you to be healthy and happy.”
- “Park Bom is the K-Pop Britney Spears. Talented, had her peak, and now just really need help.”
- “Please take a break from social media, bommie. i hope you’re doing well these days.”
- “Please Bom, try to move on. You are frozen in time.”
- “My queen Bom, please take good care of yourself. Your fans love you and don’t want anything bad to happen to you. Take some time for yourself. You know we’ll always be waiting for you. Stay strong “
- “Stop posting bom,,like Dara said we wish you well.”
- “Stop it bom, we love you but we won’t tolerate you.”
- “We wish you well Bom! But please take a break and take care of yourself.”
- “I wish u well Bommie.. get your medication and be well again.. xoxo.”
- “You’re in pain we understand that but that does not give you a free pass to hurt others too. You need to stop, please.”
- “Focus on your mental health treatment.”
/Bistado


