Naghatid ng labis na saya ang mga bida ng You’re My Favorite Song na sina Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, at Caprice Cayetano sa kanilang grand fan meet nitong Sabado August 1 kasunod ng finale ng serye noong Biyernes (July 31).
Isang gabing puno ng fun games at kilig performances nga ang inihanda ng mga bida ng Kapuso series.
Hindi magkamayaw ang fans sa mga segment tampok ang kanya-kanya nilang mga ships na AnGuel (Caprice at Heath), GeLix (Caprice at Clifford), at ZiGel (Caprice and Marco). Ilan sa mga pinusuan nang husto ng fans ay ang “Caprice’s Favorites Challenge” at ang nakatutuwang “Nakakatouch Game.”
Siyempre pa, may pa-ayuda ang cast sa shippers. May song number kasi si Caprice sa bawat leading man niya. May solo performance rin si Caprice ng OPM hit na “Ako Na Lang.”
Nagkaroon din ng surprise birthday celebration para kay Marco. Present din ang YMFS co-stars nila na sina Kairo Lazarte, Andrei Fajardo, Geo Mhanna, Lee Victor, Waynona Collings, at Princess Aliyah sa pagpapasaya sa fans.
Nagtapos ang programa sa taos-pusong pasasalamat ng apat na bida para sa walang sawang suporta ng fans sa kanilang GMA Afternoon Prime series.


