Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Sharon, Maine, Heart atbp, bakit wala sa SONA?

Pinag-uusapan sa ilang showbiz sites na tumutok sa katatapos lang na SONA ni PBBM ang mga pamosong celebrities na absent sa naturang event.

Bukod kay Star for All Seasons and Batangas Gov. Vilma Santos-Recto na sinamahan ang mister nitong si Executive Secretary Ralph Recto at anak na si Cong. Ryan Recto, wala na daw ibang showbiz celeb na sumama sa mga asawa nila.

Marami ang naghanap kina megastar Sharon Cuneta na asawa ni Sen. Kiko Pangilinan, Maine Mendoza na asawa naman ni Cong. Arjo Atayde at ang fashion icon na si Heart Evangelista, misis naman ni Sen. Chiz Escudero.

Heart, mas busy sa 83rd b-day ng amang si Rey Ongpauco, kaya no show sa SONA … kuha sa IG

Kung noong mga nakaraang SONA daw ay ilan lang sila sa madalas na psg-usapan sa red carpet dahil sa kanilang fashion sense at charm, this time daw ay nowhere to be found sila.

Marami tuloy ang nag-iisip na posibleng may mga iniiwasang usapin daw ang mga ito dahil sa mga asawa nila.

Ayon naman sa napag-alaman ng BISTADO, sadya lang daw talagang may mga previous commitment sina mega, Maine at Heart.

Si mega daw ay nakumprumiso sa ginagawang teleserye habang sina Maine at Heart ay naipit din sa mga trabaho nila.

May nagbalita namang naging busy si Heart sa preparation para sa ika-83rd birthday ng amang negosyanteng si Rey Ongpauco.

Ang ilan pa sa mga na-miss na celeb sa SONA ay si Mayor Lucy Torres, wife naman ni Cong. Richard Gomez.

At dahil hindi sumipot si Sen. Robin Padilla, kaya’t wala din ang misis nitong si Mariel Rodriguez.

Nagpakita naman si Cong. Lani Mercado pero balitang agad din itong umalis. Sa napakaraming SONA dati ay laging kasama ni Lani ang asawa nitong si dating Sen. Bong Revilla.

May mga naghanap din kay dating Cong. Yedda Romualdez, beauty-queen host na asawa ng absent ding si dating house speaker Martin Romualdez.

Hindi rin nskapsgrampa ang 70’s movie idol na si Helen Gamboa, maybahay ng absent ding si Sen. Tito Sotto.

Samantala, pinuri naman ang simple pero eleganteng kasuutan nina Gov. Vilma Santos at Tootsy Angara, wife ni DepEd Sec. Sonny Angara.

Ayon naman sa ilang showbiz sites, kahit daw bawal na ang pagsusuot ng mga bonggang wardrobes sa SONA, lumutang pa rin ang pagiging fashionista ng ilan.

Bukod kina Gov. Vilma Santos at Tootsy Angara, pinuri din ang fashion sense nina Margarita Gutierrez, Aubrey Zubiri, Emilinne Villa, Jaja Rama, Nikki Benitez at Sen. Rissa Hontiveros.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles