Hindi gaya ng ibang na-involve sa mga sex scandals, tila naging pag-amin ang ginawa ng model-actor na si Gil Cuerva sa pinag-uusapang “big four” sex videos sa showbiz.
Nitong March 5, nag-post sa kanyang IG account si Gil ‘explaining’ na ang naturang pinag-uusapang viral sex tape sa online world (lalo na sa “alter sites) ay ni-record ng wala siyang kaalaman at pahintulot.
Klaro din niyang sinabi na ito lang ang pagkakataon na magsasalita siya regarding the issue dahil aniya, ayaw na niyang pahabain pa ang istorya.
Sa kanyang IG post na mistula ding naging kanyang official statement, tinuran nitong, “the video being shared online was recorded without my knowledge or consent during a private moment. The use of a hidden camera and the distribution of that recording are serious violations of my privacy and constitute a crime.”
Nagpasalamat din si Gil sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya at naniniwala din sa kanyang “pagkatao.”
Na ayon pa sa mga supporters niya ay isang bagay na normal at natural na ginagawa ng isang lalaki o babae na nasa hustong gulang at may tamang pag-iisip tungkol sa “sexual needs.”
Dagdag pa ng aktor-model, “thank you to my friends and family who reached out with support during this time, and thank you to those who spoke up to defend my name.”
“That’s all that really needs to be said. I’m okay, i’m fine, and life goes on,” bahagi pa ng post ni Gil.
Samantala, ayon naman sa ilang malalapit sa kanila ni Lexi Gonzales, ang kanyang girlfriend at kapwa-Kapuso artist, “nagkausap na sila. Pinatunayan na naman ni Lexi ang suporta at pagmamahal niya kay Gil. Nasabi na rin niya ang dapat niyang sabihin, so be it.”
Burado na ang mga naging posts ni Lexi sa Threads tungkol sa kumalat na ‘sex video’ ng bf na tinawag nga nitong “malicious and illegal.”
Subalit gaya ng maraming mga Marites, nagtataka at nagtatanong pa rin ang mga nakasubaybay sa kanila kung bakit sa naturang post ng aktres ay sinagot niya ang isang netizen na pumuri sa pakikipag-break niya diumano kay Gil.
Very intriguing daw kasi ang sagot nitong, “regardless of what happened between us, people shouldn’t try to ruin a person’s integrity by spreading malicious and illegal content about them. Mahiya naman kayo. You guys should have some DIGNITY & RESPECT.”
Matatandaang walang pormal na pag-amin ang dalawa since napabalitang nag-break sila last November of 2025, matapos ang noo’y usap-usapan na plano nilang ‘pagpapakasal.’. Pero earlier this 2026 naman bago pa pumutok ang ‘sex-scandal’ item ay may mga tsismis na diumano’y muli silang nagkabalikan?
Sa pagtanong-tanong ng BISTADO, walang makapagsabi kung sila pa ba o tuluyan ng sila’y nagkahiwalay. Wala pa ding naka-line up na project sa Kapuso network si Gil. Hindi rin nagbigay ng statement ang network sa kinasangkutang iskandalo ng artist nila, na co-manage din ng kilalang talent-agency na Cornerstone Entertainment.
Busy ngayon ang aktor sa kanyang mga modelling stint and photo shoots, habang mas aktibo sa mga TV shows si Lexi. /Bistado


