Marami ang nagtatanong kung kumusta na daw ang lovelife ni Ivana Alawi?
Naging usap-usapan sa isang showbiz thread ang aktres dahil sa katatapos lang na 5th SONA ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ano ang kuneksyon?
Ayon nga sa mga Maritess ( latest tsikadoras) at Marisol ( mga taga sulsol), about a decade back, tambay diumano si Ivana sa Congress kapag may mga event gaya ng SONA dahil sa boyfriend niya noon na isang active Congressman.
“Those were the days when she was just a struggling starlet. No name sa showbiz, no career and what. Balita pa lang din that time yung namana niyang yaman mula sa Moroccan father niya,” sey ng mga Maritess.

Dahil nalot-lot o na-luz valdez ( talunan) daw ang boyfriend nito nung last elections, mukhang nag-end na rin diumano ang affair nito lalo’t mas mukha na daw mayaman at sikat si Ivana ngayon dahil sa socmed.
Hirit naman ng mga sulsulerang mga Marisol, ” bongga ang evolution ng career, beauty at fortune niya. Naglaba-laba lang nung pandemic, naging instant socmed sensation na. Kumamal ng milyones na views, ng subscribers and voila ng money.”
And just very recently, inulan ng batikos si Ivana dahil sa pamimigay nito ng isandasng units ng ifone17 na balitang ginastusan niya ng umabot sa 4.28 million pesos.
Ang nasabing mga ifone ay kanyang ipinamigay ng LIBRE sa kanyang mga subscribers.
Mayroong umaabot ng 21 million subscribers ang kanyang Ivsna Alaei Youtube Channel, habang may milyones ding subscribers ang iba pa niyang platforms gaya ng IG at Facebook.
Ayon sa napag- alaman ng BISTADO, ang views kung kailan siya namigay ng libreng ifone ay umabot mula sa 108 million at tumaas pa sa 273 million.
Iba pa yung views mula sa IG at FB accounts niya na namo-monetized na din.
“Grabe, just simply do the math kung magkano ang inabot na balik na pera sa kanya? Tubong lugaw dahil sa reported na 4.28 million pesos na ginasta o puhunan niya,” pag compute pa ng mga Maritess at Marisol.
Pero ang catch ayon sa mga tsikadoras, “balitang malaki din ang discount na nakuha niya mula sa pinagkunan ng apple ifones PLUS yung fee na ibinayad sa kanya for sort of endorsing the brand and product. Baka nga pris rilis lang na binili niya pero posibleng ex deal lang yun?.”
Kaya naman sa ngayon ay sitting pretty lang daw ang sexy actress at nag papa hayahay sa buhay kahit wala na daw sila ng napabalitang Congressman jowa nito. O mas bongga daw sabihing hindi na niyo kailangan ang pulitikong boyfriend?
Ang tanong tuloy ng mga Maritess at Marisol, ‘hindi daw kaya magkaroon din ng SONA ang tubong lugaw na socmed activities ni Ivana?’
Well, baka naman daw nadadala lang ng inggit ang marami dahil nagagamit ng sexy socmed sensation ang ganda at talino nito sa bonggang paraan!


