Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

SB19, Tourism Ambassadors na rin

Kinuha na rin upang maging Tourism Ambassadors ang Kings of Pop sa Pilipinas na SB19.

Although inaasahan na ito ng mga ka-A’tin at ka-Mahalima bilang ang naturang grupo naman talaga ang maituturing na mga bagong mukha at bayani ng global pinoy pride pagdating sa P-pop, hindi pa rin maiiwasan ng maraming supporters nila ang maging extra proud sa latest feat o milestone na ito ng SB19.

SB19’s Pablo, Stell, Ken, Justin at Josh, unang pinoy na mag perform sa Lollapalooza event sa Chicago, USA ngayong July 31… kuha sa FB

Sa pangunguna ng lider o Pinuno nitong si Pablo, naging mabilis ang pakikipag-ugnayan ng grupo sa mga representatives ng Department of Tourism sa pangunguna ni DOT Secretary Dita Angara Mathay.

Dahil sa pagiging popular ng SB19 na idolo na rin kahit ng ibang lahi saan mang panig ng mundo, malaking bagay ayon sa Tourism  department ang lalo pang pag expand ng fan base ng SB19’across key international markets gives the country a valuable platform to connect with potential visitors.’

“SB19’s talent is undeniable — their music is powerful, and so is their influence. They have the reach to connect with fans across the United States, Europe, ASEAN, and beyond,” tsika mismo ni DOT Sec. Angara-Mathay.

Dagdag pa niya na ang kuneksyon ng grupo sa mga fans abroad “including members of the Filipino diaspora, has helped create greater interest in the Philippines as a travel destination.”

“SB19 is giving people real reasons to visit the Philippines. That’s the kind of reach we want to build on,” saad pa ng DOT Sec.

Magiliw namang tinanggap ng lahat ng limang member ng grupo ang sinasabi milang oportunidad na lalong ipakilala ang pinoy talent at prode thru their songs, music, dance at mga tradisyong pinoy na bitbit nila.

Proud at challenged nga sina Pablo, Stell, Josh, Justin at Ken sa hamon ng bagong responsibilidad na iniatang sa kanila.

Sa pamamagitan ng “Galingbayan” box ay opisyal ng nagsimula ang pagiging Tourism Ambassadors ng SB19.

“By taking our music to established international markets, we can connect with the global Filipino diaspora, share our culture, and give them that feeling of home,” sey ni SB19 member Josh.

Ngayong July 31 ay pupuntang USA ang grupo para sa kanilang Lollapalooza event.

Gaya ngga nauna ng nabalita, ang SB19 ang first Filipino act to perform at Lollapalooza in Chicago on July 31 (Philippine time).

Gaya ng popular na female group na BINI na mga tourism ambassadors na din, higit ang kumpyansa ng ahensya ngayon na hindi lang dodoble ang target nilang tourist arrival sa mga susunod na araw, kundi higit pa sa tenfold.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles