Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

ROS rumesbak sa Ginebra; NLEX 4-0 na

Tinambakan ng Rain Or Shine ang Barangay Ginebra, 110-99, upang itala ang ikalawang sunod na panalo sa PBA Season 50 Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City nitong Linggo.

Halos hindi mapigilan si Aaron Fuller matapos magtala ng 37 puntos at 12 rebounds, habang nagtapos si Caelan Tiongson na may conference-high na 21 puntos upang pangunahan ang paglayo ng Elasto Painters sa third quarter.

Si Tiongson, ang hinirang na Best Player of the Game, ang susi sa 36-27 ratsada ng Rain Or Shine sa third quarter sa pamamagitan ng tatlong three-pointers, dahilan upang maagaw ang kontrol sa laro matapos ang maagang 17-21 bentahe ng Ginebra.

Sumosyo ang Rain Or Shine sa three-way tie sa ikalawang puwesto ng Group B na may 2-2 kartada, kasama ang Blackwater at Meralco.

Nakaganti ito sa Ginebra, na bumagsak sa 1-2, matapos silang sibakin sa semifinals ng nakaraang Commissioner’s Cup.

“We started the conference at 0-2 and we started this game just focused on winning,” ani Tiongson. “We have a good import who attracted defense and he opened up the spaces for us.”

Pinuri ni coach Yeng Guiao ang kanyang mga lokal na manlalaro sa paraan ng pagresolba nila sa depensa ng Ginebra laban kay Fuller.

“Mahirap ipasok ang entry pass kay Aaron Fuller as all teams denied him that. But we did a good job to make the pass work,” ani Guiao.

Inamin din ni Guiao na nakatulong ang iskedyul dahil posibleng pagod pa ang Ginebra mula sa kanilang laban noong Biyernes kung saan tinalo nila ang Blackwater, 115-85.

“Ang ganda ng shooting nila Friday at umaasa ako the law of averages caught up with them, at bumaba ang shooting percentage nila,” dagdag ni Guiao.

Nag-ambag naman sina Adrian Nocum at Jhonard Clarito ng tig-13 puntos.

Sa unang laro, dinaig ng NLEX ang San Miguel Beer, 110-96, upang manatiling walang talo matapos ang apat na laro sa Group A.

Pinangunahan ni DeQuan Jones ang Road Warriors sa kanyang 27 puntos at 10 rebounds, habang sina Schonny Winston at Robert Bolick ang nagtakda ng magandang umpisa sa first half.

“Really proud of our guys. Any time you play San Miguel, with all their championship experience, it’s always a great test for a young team,” ani NLEX coach Jimmy Alapag. “But I thought we were very resilient, especially in the second half.”

Naputol ang 3-0 panimula ng San Miguel Beer sa kabila ng 31 puntos ni George King na siyang nanguna sa lahat ng scorers.

Subalit sa kanya rin ang siyam sa kabuuang 18 turnovers ng SMB, na lalo pang nagpalala sa kanilang masamang shooting, lalo na sa three-point area kung saan anim lamang sa 23 tira ang kanilang ipinasok.

Nagtapos si June Mar Fajardo na may 15 puntos bago napilitan  dahil sa pagkapilay, may natitira pang 1:08.

The scores:

First Game

NLEX 110 – Jones 27, Winston 24, Semerad 15, Bolick 14, Herndon 13, Valdez 8, Gonzales 7, Bahio 2, Capulong 0, Marcelo 0, Racal 0, Alas 0.

SMB 96 – King 31, Trollano 16, Fajardo 15, Perez 7, Brondial 6, Hernandez 6, Tautuaa 5, Lassiter 5, Cruz 3, Ahanmisi 2, Ross 0, Cahilig 0.

Quarters: 30-21; 64-46; 90-71; 110-96

Second Game

RAIN OR SHINE 110 – Fuller 37, Tiongson 21, Nocum 13, Clarito 13, Cuajao 9, Villegas 5, Malonzo 4, Manaytay 4, Caracut 2, David 2, Asistio 0.

GINEBRA 99– Grigsby 25, Abarrientos 13, Rosario 13, Gray 11, Holt 10, J.Aguilar 10, Abis 7, Cu 6, Go 2, Carino 2, Torres 0, Pinto 0.

Quarters: 33-29; 53-46; 89-73; 110-99

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles