Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

US Open susunod na pagsubok ni Alex Eala

Pasok sa main draw ng US Open sa New York si Alexandra “Alex” Eala sa pangalawang sunod na taon.

Makakasama ng Pilipina sa torneo, na nakatakda sa Agosto 30 hanggang Setyembre 13, sina defending champion and world No. 1 Aryna Sabalenka, Elena Rybakina, Jessica Pegula, Coco Gauff, Mirra Andreeva at Iga Swiatek.

Noong nakaraang taon, gumawa ng kasaysayan ang 21 anyos nang ipanalo ang kanyang unang Grand Slam main draw match matapos talunin si No. 14 seed Clara Tauson ng Denmark sa opening round, 6-3, 2-6, 7-6(11).

Dahil sa panalo, si Eala ang naging kauna-unahang Pilipinong nanalo sa isang Grand Slam main draw singles match sa Open Era.

Bago ang US Open, lalahok muna si Eala sa DC Open, Toronto Open at Cincinnati Open bilang bahagi ng kanyang kampanya sa North America.

Dala pa ni Eala ang makasaysayang paglahok sa Wimbledon sa London, kung saan umabot siya sa Round of 16, at ang pag-uwi sa Pilipinas kung saan dinumog siya ng mga kababayan at binigyan ng piging ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malakanyang sa Maynila noong Hulyo 13.

Naka it ni Eala ang pinakamahusay na resulta ng Pilipinas sa kasaysayan ng Wimbledon nang lampasan ang third round ni Felicisimo Ampon noong 1949, 1950, at 1953.

Gayunman, hindi pa nalalampasan ni Eala ang rekord ni Ampon para sa mga Pilipino sa US Open.

Makagagawa si Alexandra Eala ng bagong kasaysayan para sa tennis ng Pilipinas kung makakaabot siya sa quarterfinals ng US Open.

Si Ampon, na ipinanganak sa Maynila, ay umabot sa fourth round ng US Open sa apat na pagkakataon: 1948, 1949, 1950 at 1952.

Nangako si Eala na patuloy na magsisikap para sa mas malalaking tagumpay.

“I feel very seen. Hearing that come from you, I feel like all the hard work that I’ve done is seen. All the hours that aren’t on TV are seen and validated and appreciated,” ani Eala sa parangal sa kanya sa Ceremonial Hall ng Malakanyang.

Higit pa sa mga parangal, sinabi ni Eala na ang kanyang kampanya sa Wimbledon ang nagmulat sa kanya sa lawak ng epekto niya sa milyun-milyong Pilipino.

“I’m so grateful that I am able to share my triumphs, most especially my recent run at Wimbledon, with the country. As we say, tagumpay nating lahat (this is our victory). I cannot begin to describe how overjoyed I am to see how my progress has been received by the Filipino people,” ani Eala.

Nangako siyang patuloy na dadalhin ang watawat ng Pilipinas nang may pagmamalaki saan man siya dalhin ng tennis.

“Lubos kong ipinagmamalaki ang pagiging Pilipino (I take great pride in being Filipino) I carry the flag with me wherever I go,” ani Eala. “So I promise that I will continue to represent the Philippines in the best way that I possibly can.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles