Mas marami nang Pilipino ang makakasabay sa mga kuwentong minahal ng TV5 viewers. Simula July 27, mapapanood na rin sa ABS-CBN platforms ang dalawang teleserye ng TV5—ang My Bespren Emman tuwing 2:30 p.m., Lunes hanggang Sabado, at A Secret in Prague tuwing 9:30 p.m, gabi-gabi, Lunes hanggang Biyernes.
Sa My Bespren Emman: Ang Totoong Laban, hindi na sapat ang basta maghintay at umasa.
Handa nang lumaban si Ruth para sa anak, pamilya, pag-ibig, at katotohanan, habang ginagawa naman ni Mateo ang lahat upang makabalik sa babaeng mahal niya.
Mas matindi ang sakit, mas malalim ang mga lihim, at mas malaki ang laban—pero nananatili sa puso ng serye ang pananampalatayang nagbibigay-lakas para bumangon at hindi sumuko.

Sa A Secret in Prague naman, patuloy na susundan ng viewers ang kuwento nina Mikoy at Chiara, na ginagampanan nina Enrique Gil at Andrea Brillantes. Mula sa panganib at mga sikretong iniwan sa Prague, haharap sila sa isang mas personal na tanong: kaya ba nilang ipaglaban ang tahimik at simpleng buhay kasama ang isa’t isa?
Dahil sa likod ng misteryo, habulan, at panganib, ang tunay na sikreto ay pag-ibig.
Ang pagdating ng dalawang programa sa ABS-CBN platforms ay patunay sa kalidad at lumalawak na appeal ng mga teleseryeng likha ng TV5. Isa rin itong mahalagang bunga ng patuloy na pagtutulungan ng dalawang media giants—ABS-CBN at TV5—upang mas mailapit sa mas maraming Pilipino ang mahuhusay, makabuluhan, at tunay na nakaaantig na mga kuwento.
Bahagi rin ito ng mas bukas at mas welcoming na TV5—isang network na inuuna ang viewers at naniniwalang mas masaya ang panonood kapag mas maraming kasali. Lampas sa kulay ng network at nakasanayang hangganan, iisa ang layunin: mas maraming kuwento, mas maraming pagpipilian, at mas maraming paraan para manood.
Kaya simula July 27, tara—makisama sa Totoong Laban ng My Bespren Emman tuwing 2:30 p.m. at sumugal sa pag-ibig kasama ang A Secret in Praguetuwing 9:30 p.m., sa TV5 at ABS-CBN platforms.


