Sa loob ng 15 taon, patuloy na naghahatid ng tulong, pag-asa, at malasakit ang TV5 Alagang Kapatid Foundation, Inc. sa mgakomunidad na nangangailangan.
Sa panahon ng sakuna, karamdaman, at mabibigat na pagsubok, nariyan ang AlagangKapatid—hindi nakatayo sa itaas, kundi nasa tabi ng mgaPilipino, handang makinig, umalalay, at tumulong sa kanilangmuling pagbangon.
Sa pagdiriwang ng milestone na ito, muling pinagtitibay ng Alagang Kapatid ang pangakong matagal nang nasa puso ng kanilang misyon: maglingkod sa kapwa, magbigay-lakas sa mgakomunidad, at gawing totoong pagkilos ang malasakit.
Sa pamamagitan ng relief operations, assistance, humanitarian programs, at iba’t ibang community initiatives, ipinapaalala ng foundation na walang Pilipinong dapat humarapsa pinakamabibigat na hamon ng buhay nang nag-iisa.
Nagsama-sama sa selebrasyon ang mga taong nagingmahalagang bahagi ng 15-taong kuwento ng Alagang Kapatid.
Dumalo si Alagang Kapatid Foundation Managing Director Menchie Silvestre, kasama ang mga “ninong at ninang” ng foundation, partners, supporters, volunteers, at ilan sa mgabeneficiary na buhay na patunay sa tunay na epekto ng kanilangmga programa.
Nakiisa rin sa pagdiriwang sina Media5 COO Dino Laurena; Cignal TV Vice President for Engineering and Industry Relations Erwin Galang; TV5 President and CEO Guido Zaballero; MediaQuest President and CEO Ricky Vargas; TV5 Chief Financial Officer Pierre Buhay; MediaQuestChief People Officer Rolly Santos; at MediaQuest Holdings, Inc. Chief Financial Officer at Cignal Officer-in-Charge Christopher Lizo.
Sa pagsisimula ng panibagong yugto ng Alagang Kapatid, mas lalo nitong binubuksan ang pinto para sa lahat ng gustongmakiisa.
Tara. Sama-sama tayong tumulong, magbigay ng pag-asa, at manatili sa tabi ng bawat komunidad nanangangailangan—dahil iyan ang tunay na diwa ng pagigingKapatid para sa Pilipino.


