Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Blackwater, Meralco target ang liderato sa PBA Govs’ Cup

Magtatapat ang Barangay Ginebra at Blackwater, na kapwa galing sa dikit na pagkatalo, sa PBA Season 50 Governors’ Cup ganap na 7:30 p.m. ngayong Biyernes sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Wala pa rin sina Justin Brownlee at Scottie Thompson nang yumuko ang Ginebra sa Phoenix, 78-81, noong Linggo.

Sa kanyang debut, ginawa ni import Riley Grigsby ang lahat at nagtala ng 42 puntos at 13 rebounds. Ngunit kapos siya sa suporta ng kanyang mga kakampi.

Pinangunahan ni Jeremiah Gray ang mga lokal na may syam na puntos lamang mula sa 3-of-14 na shooting, bago nagmintis sa posibleng game-winning four-pointer sa huling buzzer. 

Nagdagdag si RJ Abarrientos ng walong puntos sa 3-of-16 na shooting.

Malinaw na kinulang sa opensa ang Gin Kings sa pagkawala nina Thompson at Brownlee.

Samantala, naputol ang perpektong simula ng Blackwater matapos matalo sa Meralco, 114-116, noong Martes.

Mula sa 18 puntos na pagkalugmok, nagbalik ang Bossing sa likod ng 29 puntos ni Sedrick Barefield at 20 ni RK Ilagan. Napantay pa ni Ilagan ang iskor sa 114-all bago binuslo ni Chris Newsome ang game-winning basket.

Pinangunahan ni Antonio Hester ang Bolts sa kanyang 25 puntos at 12 rebounds. Para sa Blackwater, nagtala si Kentrell Barkley ng 28 puntos at 10 rebounds.

Sa panig naman ng Ginebra, kailangang magising ang kanilang mga lokal na manlalaro kung nais nilang iwasan ang 0-2 na simula habang wala pa ang kanilang dalawang haligi.

Tulad ng Blackwater, hangad ng Meralco (2-1) na makisosyo sa liderato ng Group B sa Phoenix sa pagsagupa sa Magnolia Chicken sa unang laro simula 5:15 p.m.

Kulelat ang Magnolia (0-2)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles