Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bloomberry Cultural Foundation suportado ang Sports University project

Susuportahan ng Bloomberry Cultural Foundation Inc. ang matagal nang isinusulong na Sports University project ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairperson Patrick Gregorio.

Ipinahayag ni Bloomberry president Donato Almeda ang kahandaan ng kanilang organisasyon na maki-isa sa bisyon ni Gregorio, na binigyang-diin ang ugnayan ng pagpapa-unlad ng sports at turismo.

“I follow PSC Chairman Pato Gregorio’s desire for our foundation to help in the development of sports in the country. I also follow his lead in terms of tourism being fueled by the introduction of what we call sports tourism,” ani Almeda sa isang pahayag.

Idinagdag ni Almeda na ang mga prayoridad sa pagpopondo ng Bloomberry ay nakabatay sa mga inendorso ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor), kabilang ang sports, kalusugan at edukasyon.

Bagama’t hindi pa niya nakikita ang buong detalye ng plano ni Gregorio, kinilala niyang bahagi pa rin ng direksyon ng foundation ang pagsuporta sa sports.

Samantala, buong suporta ang ipinahayag ni Pagcor Chair Alejandro Tengco para sa proyekto sa isinagawang paglagda sa memorandum of agreement ng Philippine Military Academy (PMA), Bloomberry Cultural Foundation, at Pagcor noong Hulyo 10 sa Baguio City.

“It’s about time that our country creates a Sports University. Chairman Pato and I discussed how we can help each other beyond Pagcor’s monthly support to the PSC. I fully support the idea of building a sports university,’’ ani Tengco.

Ang Sports University, na planong itayo sa New Clark City sa Capas, Tarlac, ay inaasahang magsisilbing sentro ng edukasyon, pagsasanay at pananaliksik para sa sports sa Pilipinas. 

Mayroon nang mga katulad na institusyon ang mga karatig-bansa at inaasahang makakasabay na rin ang Pilipinas sa lumalawak nitong hanay ng mga atleta at pasilidad para sa pagsasanay.

Binigyang-diin ni Gregorio ang kahalagahan ng suporta ng Pagcor sa proyekto.

” Pagcor Chairman Al Tengco is more than a benefactor. Beyond what Pagcor mandates, he understands what is truly needed by Philippine sports to thrive. That is unique and absolutely vital,” ani pinuno ng PSC.

“Bloomberry Cultural Foundation’s support will be indispensable in transforming the Sports University from vision to reality. The possible partnership will fortify our mission to establish a world-class institution that will elevate and redefine Philippine sports,’’ dagdag nya.

Saklaw rin ng nilagdaang kasunduan ng PMA, Bloomberry at Pagcor ang pagtatayo ng isang modern warfare laboratory sa Fort del Pilar, kung saan pinagtibay nina PMA Superintendent Vice Admiral Caesar Bernard Valencia at Almeda ang kasunduan kasama si Tengco.

Sa hiwalay namang kasunduan, pinalakas nina Gregorio at Valencia ang kanilang pagtutulungan sa mga combat sports, tulad ng judo, karate, taekwondo, fencing, shooting at wall climbing.

Pinagtibay pa ng PSC ang naturang komitment sa pamamagitan ng turnover ng mga bagong kagamitan para sa mga cadet-athletes.

Mula sa grassroots programs hanggang sa pagtatayo ng mga sports complex sa mga lalawigan, nakapagpatupad na si Gregorio ng iba’t ibang proyekto sa kanyang maikling panunungkulan na naglalayong mapaunlad ang kalagayan ng mga pambansang atleta. 

Hindi lamang Metro Manila ang saklaw ng kanyang bisyon dahil plano rin niyang makumpleto ang mga pasilidad sa mahahalagang lalawigan upang makapagsanay ang mga atleta nang mas malapit sa kanilang mga tahanan.

“If we can finish these facilities in key cities and provinces, these athletes should no longer go to Metro Manila to train. They can train in facilities close to their hometown,” ani Tengco.

“If we have infrastructure good enough not only to hold international competitions here, our sports aficionados, our countrymen would be able to develop their own skills, then we can compete not only regionally, but also globally,’’ dagdag naman ni Almeda.

We need it and this is where the private sector can come in and not just depend on the government to enhance sports development in the country.”

Sa suporta ng Pagcor, sa posibleng pakikilahok ng Bloomberry, at sa malinaw na direksyon ng PSC, hindi na lamang pangarap ang Sports University, ayon sa mga opisyal.

“Ito ay inaasahang magiging pundasyon ng bagong yugto ng sports sa Pilipinas, kung saan magsasama-sama ang pagpapaunlad ng mga atleta, edukasyon at sports tourism upang umangat ang bansa sa pandaigdigang entablado,” ani Gregorio.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles