Tila hindi naman nagpa-apekto ang guwapo at mahusay na aktor na si Joshua Garcia sa naging reaksyon ng netizen sa isang socmed post na kanyang ginawa kamakailan.
Sa kanyang Tiktok account ay nag-repost si Joshua ng nagaganap sa kasalukuyang impeachment hearing sa Senado.
Kalakip ng isang picture na ngayo’y pinag-uusapan at ginagawang basehan ng pagiging DDS o Duterte supporter umano ng aktor ay ang picture ni defense lawyer Atty. Carlo Joaquin Narvasa na ayon pa sa repost ni Joshua ay kanya daw na favorite na bahagi ng ongoing impeachment trial laban kay VP Sara Duterte.
Bukod pa diyan ay pinuna din ng netizen o ng mga anti-Duterte peeps ang pag-like ni Joshua sa mga posts ng defense team ni VP Sara.
Dinagsa ng mga bashing at negative comments/reactions si Joshua at marami pa sa kanila ang nag-tag nito sa mga sites ng ABS-CBN kung saan isa nga si Joshua sa mga artists na laging nabibigyan ng shows, movies at projects kaya’t sinasabing isa nga siya sa pinaka-sikat nf network.
Matatandaang naging personal ang atake ng mga supporters/followers ng ABS-CBN na hindi nakalilimot na nang dahil kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ay napasara at inalisan ng prangkisa ang network, kaya’t nawala ito sa free TV at umaasa na lamang ngayon sa pakikipag-collab sa mga networks gaya ng GMA 7, TV5, A2Z, at iba pang media platforms na may network franchise.
Binatikos nila ang aktor na nakikinabang umano sa ABS-CBN pero bakit tila lumalabas daw itong kakampi pala ng mga Duterte by saying na paborito nito ang defense lawyer na isa sa mga tagapagtanggol ni VP Sara.
Wala ni anumang reaksyong ibingay o pinalabas ang aktor lalo’t hindi pa nito binubura, inaalis o tinanggal man lang ang nasabing post.
Pero para naman sa mga defenders at supporters ni Joshua, “everyone is entitled to his or her opinion, stand and beliefs.” More than being an artist ay isa umanong nag-iisip na pinoy si Joshua at may parehong karapatan sa mga taong may ibang paniniwala at gustong panigan.
Sabi nga ng mga supporters ni Joshua, “sana yung tinitingnan nila ay yung pagiging artist ni Joshua at hindi yung personal niyang views. Wala naman siyang ine-engganyo na sumunod at maniwala sa kanya. He simply is expressing his own take on the ongoing impeachment trial.”


