Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

2 Chinese nationals, arestado sa Iligan

Arestado ang dalawang Chinese national sa Iligan City matapos matuklasan ng mga awtoridad na halos dalawang dekada silang namuhay sa bansa gamit ang pekeng pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

Nadakip ang dalawa sa isang joint law enforcement operation noong March 4 sa Barangay Mahayahay, Iligan City, Lanao del Norte. Pinangunahan ang operasyon ng Bureau of Immigration at Iligan City Police sa tulong ng mga yunit ng militar sa ilalim ng 1st Infantry Division ng Philippine Army.  

Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Boagui Xu, 51, na gumagamit ng alyas na Stanny Co, at si Lizun Cai, 50, na gumagamit ng alyas na Mia Co. Pareho silang Chinese nationals na matagal nang naninirahan sa Pilipinas habang nagsasagawa ng mga aktibidad sa negosyo.  

Lumabas sa imbestigasyon na ginamit ng dalawa ang mga pangalang Pilipino sa mga opisyal na dokumento para magmukhang lehitimong mamamayan ng bansa. Ayon sa ulat ng 1st Infantry Division, natuklasan din na ang isa sa kanila ay nakakuha pa ng late registered Filipino birth certificate at Philippine driver’s license gamit ang huwad na identidad.  

Dagdag pa ng militar, pareho ring may hawak na driver’s license ang dalawang suspek na nakapangalan sa kanilang mga ginamit na alyas. Ayon sa mga awtoridad, malinaw na paglabag ito sa Philippine Immigration Act dahil sa maling pagpapakilala bilang Filipino citizen.  

Matapos ang operasyon, dinala ang dalawang suspek sa headquarters ng 2nd Mechanized Infantry Brigade sa Iligan City para sa dokumentasyon. Pagkatapos nito ay itinurn over sila sa Bureau of Immigration para sa kaukulang legal na proseso at posibleng deportation proceedings.  

Ang pagkakaaresto sa dalawang Chinese national sa Iligan ay pangalawang insidente sa rehiyon sa loob ng parehong linggo na may kinalaman sa mga dayuhang nahaharap sa mga paglabag sa immigration laws. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles