Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Lacson kay Alan Peter Cayetano: Sa kulungan ka nababagay

Lalong uminit ang bangayan nina Sen. Panfilo “Ping” Lacson at Sen. Alan Peter Cayetano matapos magpalitan ng akusasyon tungkol sa kanilang yaman, budget insertions at sinasabing ghost flood control projects sa Taguig City.

Sinabi ni Lacson nitong Linggo, July 19, na dumarami ang mga impormante at testigong handang magbigay ng ebidensya laban kay Cayetano.

“As of this morning, I’m still counting informants and witnesses, directly or through intermediaries, willing to provide information and evidence to put him in his proper place – the Payatas, QC jail,” pahayag ni Lacson.

Nauna rito, kinuwestyon ni Cayetano sa Facebook Live ang pagtaas ng net worth ni Lacson mula 2022 hanggang 2025, panahong wala ang dating hepe ng Philippine National Police sa gobyerno. Kinuwestyon din niya ang net worth ni Sen. Erwin Tulfo.

Mariing itinanggi ni Lacson na nagmula sa katiwalian ang kanyang yaman. Aniya, kumita siya sa real estate deals at iba pang lehitimong negosyo noong pribado siyang mamamayan.

“My integrity is my first and last line of defense and I will fight to defend it with all my might. Sen Cayetano has crossed the line by attacking it,” sabi ni Lacson.

Sa kanyang 2025 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), nagdeklara si Lacson ng P244.94 milyong net worth, mula P58.7 milyon noong 2022. Nilinaw niyang mahigit apat na beses ang itinaas nito at hindi lamang dumoble.

Sinabi rin ni Lacson na nagbayad siya ng P10.5 milyon at P2.8 milyon sa buwis batay sa kanyang income tax returns. Iginiit niyang wala siyang ipinasok na pork barrel mula nang maging senador at hindi siya tumanggap ng kickback o lobby money kapalit ng batas.

Bumuwelta si Lacson sa pag-akusa kay Cayetano na may P6.79 bilyong budget insertions sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA). Hiwalay pa rito ang alegasyon niyang may ghost flood control projects sa Taguig, ngunit wala siyang inilabas na patunay sa naturang pahayag.

“Out of his P6.79B budget insertions under the 2025 GAA [General Appropriations Act], 68 out of the 70 projects were implemented. So, only 2 projects, equivalent to around P75M are left unreleased or unobligated. In short, a total of P6.715B ang nagastos. While you do the math, we will keep digging,” sabi ni Lacson.

Mariing itinanggi ni Cayetano sa panibagong Facebook Live nitong Linggo na may ghost projects sa Taguig.

“Panfilo ang pangalan mo, pero nililito mo lang ang mga tao e, Sen. ‘Panlito’ Lacson,” banat ni Cayetano.

Inakusahan din ni Cayetano si Lacson na gumagamit ng mga dati nitong nakabangga ngunit ngayo’y kaalyado na para idiin siya sa flood control controversy. Pinangalanan niya si Tulfo, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, bilang isa sa mga senador na aniya’y minamanipula ni Lacson.

Ikinabit din ni Cayetano ang bangayan sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Inakusahan niyang pangunahing layunin ni Lacson ang pagpapatalsik sa bise presidente. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles