Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

PNP naka-full alert sa pagsisimula ng BARMM election period

PARANG, Maguindanao del Norte – Naka-full election mode na ang Philippine National Police (PNP) kasabay ng pagsisimula nitong Huwebes, July 16, ng election period para sa 2026 Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections.

Aabot sa 8,299 PNP personnel ang itinalaga sa election security duties para matiyak ang mapayapa, maayos, tapat at kapani-paniwalang halalan sa rehiyon.

Sa kabuuang puwersa, 4,983 ang deployable personnel mula sa Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR).

Magdaragdag naman ng 1,316 personnel ang National Support Units (NSUs), habang 2,000 pulis ang manggagaling sa iba pang Police Regional Offices (PROs).

Makikipagtulungan ang PNP sa Commission on Elections (Comelec), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang law enforcement agencies para mapanatili ang seguridad sa buong election period.

Pormal na inilunsad ang deployment sa send-off at turnover ceremony noong July 14 sa Camp Brigadier General Salipada K. Pendatun sa Parang, Maguindanao del Norte.

Kasunod nito, inaktiba ng PRO BAR at mga katuwang na ahensya ang kanilang security deployment sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Tatagal ang election period mula July 16 hanggang September 29, 2026.

Kasabay ng pagsisimula nito ang pagpapatupad ng election gun ban sa BARMM. Mahigpit na ipatutupad ang mga regulasyon sa pagdadala at pagbibiyahe ng baril at iba pang deadly weapons, maliban sa mga may pahintulot mula sa Comelec.

Gaganapin ang BARMM Parliamentary Elections sa September 14, 2026.

Sa halalan, pipiliin ang unang regular na ihahalal na mga miyembro ng Bangsamoro Parliament, kasunod ng pinalawig na transition period sa ilalim ng Bangsamoro Transition Authority. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles