Nanggulat sina Bea Alonzo at Vincent Co nitong Martes ng gabi, July 14, dahil nagpakasal na sila.
Proud na pinost ni Makati City Mayor Nancy Binay ang nangyaring seremonya sa kanyang upisina kung saan nga naganap ang pag-iisang dibdib ng magsing-irog.
Sa hinaba-haba nga ng prusisyon ayon sa kasabihan, mauuwi din pala sa “civil wedding” ang dapat sana’y tinaguriang ‘wedding of the year’ ng dalawang personalidad na kapwa kilala sa lipunan dahil sa kanilang kasikatan at yaman.
Bukod kina Bea at Vincent, wala daw ibang present sa upisina ni Mayor Binay kundi ang dalawang pares ng mga kaibigan na parehong close kina Bea at Vincent
“Very private, very intimate,” paglalarawan ng mga nagbibigay opinyon sa mga naglabasang larawan ng kasal ng dalawa.
Simpleng bestidang puti at may dala lang na bouquet of flowers si Bea, habang naka-short barong tagalog naman si Vincent nang humarap sila sa sala ni Makati City Mayor Binay.
Walang mga immediate family members ang sinuman sa dalawa gaya ng kanilang mga magulang o guardians o mga taong noon pa ma’y sinasabing may papel sa buhay romansa ng ngayo’y mag-asawa nang sina Bea at Vincent.
Alam ng apat na sulok ng showbiz at maging ng sektor ng negosyo na high profile ang planong pagpapakasal ng dalawa.
Dapat ay naganap nga ito noong May 14 sa Spain, subalit nang dahil sa isyung “prenup”, hindi nga ito natuloy.
“At least, totoo palang na-cancel lang talaga dahil finally, hayan na nga. May civil wedding ng naganap. Just goes to show na yung mga isyu sa prenup na umano’y hindi napagkasunduan ng parehong parties ay naplantsa na,” wika ng mga observers.
Naglabas din ng kanyang pahayag si Atty. Lorna Kapunan na dati nang napapabalitang siyang gumawa ng prenup ni Bea.
Kinumpirma nitong wala siyang kinalaman o nalaman na may naganap na ‘prenup’ kina Bea at Vincent.
“Wala akong alam. Wala akong ginawa para sa kanilang prenup. I wish I did,” bahagi ng pahayag ng kilalang abogado na nagbigay payo pa sa mga babaeng nagbabalak na magpakasal na “don’t get married.”
Nang subukan ng BISTADO na hingan ng reaksyon si Ms. Shirley Kuan, ay wala pa itong naibigay na sagot hanggang sa sinulat natin ito.
SI Kuan ang business manager ni Bea na noong eksklusibong nakapanayam ng BISTADO last Marchay nagsabing pupunta siya sa Spain noong May para dumalo sa kasal ng alaga
Subalit noong na-implicate nga ang name niya bilang isa umano sa mga mawawalan ng “milking cow” once magpakasal na si Bea at sumuko sa prenup ni Vincent, hindi na rin nagbigay pa ng anumang pahayag si Ms. Kuan
Sa mga nagviral na photos na ibinahagi ni Mayor BInay at mismong ni Bea sa kanyang socmed, positibo silang tinanggap ng madla.
Sa mga naglabasang fotos nga ay makikita ang kasiyahan sa mukha ng dalawa at halata talagang sila’y nagmamahalan at mukha namang ipinaglaban nila ang kanilang relasyon.
Aabangan natin ang mga susunod na kabanata sa tila teleseryeng love story nina Bea at Vincent.
Saka na natin alamin ang sagot sa mga tanong ng bayan kung bakit nanggulat sila sa kanilang kasal, bakit wala ang mga magulang nila sa seremonya, at ano nga ba talaga ang totoong isyu sa ‘prenup?’
Trenta-y-otso (38) years old na si Bea, habang kuwarenta y singko (45) naman si Vincent.
Isa si Bea sa mga itinuturing na reyna sa showbiz na umaabot sa bilyones ang net worth, habang si Vincent naman ang tagapagmana at namamahala ng mga negosyo ng pamilya Co gaya ng Cosco Capital at The Keepers Holdings, na bilyones din ang worth.
Hindi na nga rin sila mga menor de edad kaya’t ang naturang desisyon nila ng pagpapakasal ay masasabing bunga talaga ng kanilang pag-iibigan at hindi dahil sa mga isyung itinuturong rason kung bakit ito’y naging urong-sulong dati.


